updates:

natuloy ung protest kanina. madaming pumunta na mapuans, NAMA at FAMIT. lahat nakaitim. naliligaw ka pag hindi ka nakaitim. hehehe.
nagkaroon ng parade sa intramuros. hindi ko lang alam kung san umikot kasi hindi ko inabot.
nasunod ung program at nagkaroon ng prayer vigil.
at 3:00 PM nagpadala ng message ang president ng mapua. un parin ang laman ng message. Magiging Malayan University ang MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY at magkakaroon ng collective colleges, ung engineering, IT at architecture course ay tatawagin na Mapua. tapos ug ibang colleges may tawag din. sa madaling salita walang pinagbago sa decision.
hindi rin pinayagan ng intramuros administration na magkaroon ng strike sa thursday. alam na natin ang dahilan kung bakit......
ilang beses kinanta ang mapua hymn, lahat halos naiiyak habang kinakanta at sinigaw ang "M" and the "I" and the "T". lalo na nung nagdasal.
walang klase bukas saka sa wednesday. taga FAMIT ata ung speaker na nagsabi na un.
sa thursday magkikita ulit para sa strike. ito na ang tunay na laban. hindi na alam kung ano ang mangyayari. pero inaasahan na na baka magkasakitan kasi nga walang permit at baka paalisin.
tinatwagan ng FAMIT at NAMA ang mga alumni at naging estudyante na sumama sa thursday. pero pag-isipan muna dahil talagang baka magkasakitan.

sa mga co-mapuans, sumama po tayo sa thursday para ipaglaban ang pangaln ng ating alma mater.

NO TO MALAYAN!!!
MAPUA WILL ALWAYS BE MAPUA!!!!

VIVA MAPUA!!!