updates

What happened at the student dialogue: (emailed by gc group)

1. Approve na ng Board of Trustees ang Malayan Colleges.

2. Approve na ng CHED ang Malayan Colleges.

3. Maiiba ang pangalan ng iyong MAPUA.

4. Mapapalitan ito ng MALAYAN COLLEGES.

5. Ang Malayan Insurance ay pagmamay-ari ng Yuchengco.

6. Under Malayan Colleges, andito ang different schools. At instead of having the schools named after their courses… ito ang magiging pangalan nila:

a. Engineering courses, IT and Architecture = Mapua Institute of Technology, School of Engineering, Information Technology and Architecture.
b. School of Nursing = San Lorenzo Ruiz College of Health Sciences
c. Business Admin = ET Yuchengco School of Business Adminitration
d. Magkakaron din ng College of Languages, Humanities and Social Sciences
e. Magkakaroon din ng college of Science

Lahat ito, under Malayan Colleges. So kung Nursing ka, ikaw ay magiging graduate ng Malayan Colleges, San Lorenzo Ruiz College of Health Sciences. Walang Mapua sa pangalan mo.

7. Tinanong ng mga students si Dr. Vea kung bakit kailangang "Malayan Colleges" ang magiging pangalan ng Mapua. Ang sabi niya, "because we are after the university status".

8. At paulit-ulit niyang binanggit ang mga benefits na madudulot ng pagiging university.

9. "Okay, sige na. We understand the benefits of the university status, but we would just like to ask you why do you have to change the name of the school? Even if we are going to be a university, changing the name into Malayan is not necessary."

10. At paulit-ulit, hindi sinasagot ni Dr. Vea ang aming tanong.

11. Hindi si Dr. Vea ang may decision kung bakit babaguhin ang pangalan ng MAPÚA. Ito ay kagagawan ng mga BOARD OF TRUSTEES. Sila ang nag-approve ng pangalan na MALAYAN COLLEGES.

12. Lahat ng students sa MAPÚA ay against sa pagbabago ng pangalan na to. AGAINST KAMI SA ISSUE NA TO! NARIRINIG NIYO BA?

13. TATLONG BESES nang gumawa ng desisyon ang board of trustees at tatlong beses nila tayong HINDI hiningan ng consent.

14. Una, ang QUARTER SYSTEM. Nagulat ang lahat nang ito'y I-implement. Pero sige, "okay, we'll try to look at the bright side kahit na HINDI NILA TAYO SINABIHAN."

15. Pangalawa. Nag dagdag sila ng mga courses na walang connection sa main courses ng MIT. Pero okay lang, "sige, this is for the good of the school naman, kahit na… obviously wala namang specialty ang school sa Business Admin and sa Psychology. Pero sige, baka may bright side naman."

16. Pangatlo. THEY WILL CHANGE YOUR NAME WITHOUT YOUR CONSENT. Those persons who sit in the board of trustees, together with CHED, have approved the changing of MAPÚA INSTITUTE OF TECHNOLOGY into MALAYAN COLLEGES.

17. Pagkatapos ng Forum, marami pa ang galit.

18. Nag meeting ang lahat ng student council, at nabuo ang UNITED MAPÚANS.

19. Ang UNITED MAPÚANS ay ang grupo na mag li-lead sa gagawin nating mga hakbang sa susunod na mga araw. Ang lahat ng gagawin natin ay dapat legal at alam ng UNITED MAPUANS.

20. KAPAG meron kayong nabalitaan na hindi niyo sigurado, I-confirm niyo muna sa UM, kasi pag hindi ito LEGAL… hindi tayo PAPANSININ. Kaya dapat organized tayo. Kasi malamang, maghahanap at maghahanap sila ng butas.

21. Bukas, SABADO. Ang initial movement na gagawin natin ay ang pagsuot ng BLACK RIBBON sa left arm. It symbolizes na nagkakaisa tayo, maaga pa lang. Ibig sabihin, narinig niyo ang lahat, nalaman niyo ito.. at hindi kayo nag-a-agree na palitan ang pangalan ng MAPUA.

Nakilala tayong MAPUANS, marami satin ang working students, at hindi sila nag papahirap para makuha ang diploma na MALAYAN COLLEGE ang nakalagay.
silent protest daw sa monday. no banners, no posters, etc. black shirt lang na may print ung pwede muna daw. hindi ko matandaan ung naka print. pero pag wala daw nangyari. sa tuesday na raw ung mga banners and posters. mayt permit to rally na rin.