New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 4 of 4
  1. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    131
    #1
    MAAARING ILAN SA ATIN E LAGPAS NA SA STAGES NA ITO... PERO OK PA RING
    > BASAHIN ITONG MAIGSING NOTE GALING 'PINAS..
    >
    > just wanna share this to u guys...
    >
    >
    > Tumatanda ka na, tol.
    >
    > Nasa Friday Magic Madness na yung mga paborito mong kanta.
    > Nakaka-relate ka na sa Classic MTV. Lesbiana na yung kinaaaliwan mong
    > child star dati. Nanay na lagi ang role ng crush na crush mong matinee

    > idol noon.
    >
    > Dati, pag may panot, sisigaw ka agad ng "PENDONG!". Ngayon, pag may
    > sumisigaw nun, ikaw na yung napapraning. Parang botika na ang cabinet
    > mo. May multivitamins, vitamin E, vitamin C, royal jelly, tsaka ginko
    > biloba.
    >
    > Dati, laging may inuman. Sa inuman, may lechon, sisig, kaldereta,
    > inihaw na liempo, pusit, at kung anu-ano pa. Ngayon, nagkukumpulan na
    > lang kayo
    > ng mga kasama mo sa Starbucks at oorder ng tea.
    >
    > Wala na ang mga kaibigan mo noon.
    >
    > Ang dating masasayang tawanan ng barkada sa canteen, napalitan na ng
    > walang katapusang pagrereklamo tungkol sa kumpanya ninyo. Wala na ang
    > best friend mo na lagi mong pinupuntahan kapag may problema ka.
    >
    > Mahirap nang makahanap ng totoong kaibigan. Hindi mo kayang
    > pagkatiwalaan ang kasama mo araw-araw sa opisina. Kung sabagay,
    > nagkakilala lang kayo dahil gusto ninyong kumita ng pera at umakyat sa

    > tinatawag nilang
    > "corporate ladder". Anumang pagkakaibigang umusbong galing sa pera at
    > ambisyon ay hindi talaga totoong pagkakaibigan. Pera din at ambisyon
    ang
    > sisira sa inyong
    > dalawa.
    >
    > Pera. Pera na ang nagpapatakbo ng buhay mo.
    >
    > Alipin ka na ng Meralco, PLDT, SkyCable, Globe, Smart, at Sun. Alipin
    > ka ng Midnight Madness. Alipin ka ng tollgate sa expressway. Alipin ka

    > ng credit card mo. Alipin ka ng ATM. Alipin ka ng BIR.
    >
    > Dati-rati masaya ka na sa isang platong instant pancit canton. Ngayon,

    > dapat may kasamang italian chicken ang fettucine alfredo mo. Masaya ka

    > na noon pag nakakapag-ober-da-bakod kayo para makapagswimming. Ngayon,

    > ayaw mong lumangoy kung hindi Boracay o Puerto Galera ang lugar. Dati,

    > sulit na
    > sulit na sa yo ang gin pomelo. Ngayon, pagkatapos ng ilang bote ng red
    > wine,
    > maghahanap ka ng San Mig Light o Vodka Cruiser.
    >
    > Wala ka nang magawa. Sumasabay ang lifestyle mo sa income mo.
    > Nagtataka ka kung bakit hindi ka pa rin nakakaipon kahit tumataas ang
    > sweldo mo. Yung mga bagay na gusto mong bilhin dati na sinasabi mong
    > hindi mo kailangan, abot-kamay mo na. Pero kahit nasa iyo na ang mga
    > gusto mong bilhin, hindi ka pa rin makuntento.
    >
    > Saan ka ba papunta?
    >
    > Tol, gumising ka. Hindi ka nabuhay sa mundong ito para maging isa lang

    > sa mga baterya ng mga machines sa Matrix. Hanapin mo ang dahilan kung
    > bakit nilagay ka rito. Kung ang buhay mo ngayon ay uulit-ulit lang
    > hanggang maging singkwenta anyos ka na, magsisisi ka. Lumingon ka kung

    > paano ka nagsimula, isipin ang mga tao at mga bagay na nagpasaya sa
    > yo. Balikan mo
    > sila.
    >
    >Sabihin mo kung mali ako pero
    > Ikaw ang nagbago, hindi ang mundo.

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #2
    Ika nga ng Mitsubishi: "Journey with a higher purpose..." hehehe.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  3. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    6,753
    #3
    gigising na ako.. tama na gastos... haiii

  4. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    3,067
    #4
    buti na lang bata pa ako...

Gising 'Tol