Di ko po alam kung paano iisipin ang mga sinabi nyo. Sa totoo lang, tama kayo. Pero syempre sa kasalukuyan ay naghahanap pa rin kami ng maaaring lunas para sa aming tuta. Nagparinig na nga ang Mommy na patulugin na nga namin, kaso po ng marinig ng Daddy ay talaga nga pong halos magwala sa galit, dahil umaasa pa rin sya na maaaring may lunas pa dito, at wala daw kaming karapatan na lagutan ng hininga kahit aso lang. Ang pag-aalaga po namin dito sa mga aso namin ay parang kapamilya din at syempre gagawin po namin ang lahat ng magagawa naming upang madugtungan pa rin ang buhay niya kahit na nga habangbuhay syang maging pilay. Kung sa tinuran nyo na wala ngang posibleng orthophedic surgeon ng mga aso dito sa atin, maluwag naming tatanggapin ang kapalaran nya.