Noong 1991 energy crisis gumagawa ako mga genset. Ginagamit kong alternators yong MIN DONG ng China. Ok yon, carbon brush ang gamit at maliit lang ang rectifier. Lahat ng ginawa ko ay 20KW(25KVA*80% power factor) at ang ginamit kong mga makina ay FUSO 4dr5. Hindi ko tinanggal ang transmission, tapos sa 5th gear ko nilagay para 0.80 overdrive, kaya ang RPM ng makina ay 1440 lang. Tipid sa diesel, tahimik pa.
11 na bahay ang nilinyahan ko sa personal genset ko. Kaya kaya ang 4 na 2hp AC. Dapat may governor ang injection pump.
Ang nagawa ko noon mga 55 sets, parang hot cake, ginagawa ko pa lang may buyer na. Lahat umaandar pa at ginagamit. Yung sa simbahan namin sa height ng brownout, 12 hours straight kung paandarin, hehe. Sulit naman, kasi halos lahat ng nagpapakasal sa amin ginagawa kasi simbahan lang namina ng may genset!