Results 1 to 7 of 7
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Oct 2005
- Posts
- 33
December 3rd, 2005 07:23 PM #1Subject: Ganito ang tamang pagbabalita
KUMIRIRING ang telepono nang madaling araw....
"Hello, Master Carlos? Si Arnaldo po ito, 'yung katiwala niyo sa bahay-bakasyunan niyo."
"O, Mr. Arnaldo, ikaw pala. Ano't napatawag ka? May problema ba?
"Um, napatawag lang po ako para abisuhan kayo na namatay ang alaga
niyong parrot."
"'Yung parrot kong si Pikoy, patay? 'Yung nanalo sa bird show?
"Opo, Master Carlos, 'yun na nga po."
"Putris ... sayang! Ang laki pa naman ng nagastos ko sa ibong 'yon.
Hay, buhay! Teka, ano nga ba ang ikinamatay niya?"
"E, kumain po kasi ng bulok na karne...."
"Bulok na karne? At sino namang salbaheng tao ang nagpakain sa kanya
ng bulok na karne?"
"W-Wala po. Nanginain po siya ng karne ng isang patay na kabayo."
"Patay na kabayo? Anong patay na kabayo, Mr Arnaldo?"
"E, 'yun pung mga thoroughbred horses niyo, Sir. Namatay po kasi lahat
sila sa pagod, kahihila ng kariton ng tubig."
"Nasisiraan ka na ba ng bait? Anong kariton ng tubbbiiiiggggg?"
"'Yun pong pinampatay namin ng sunog."
"Diyos ko po! Anong sunog naman 'yang pinagsasasabi mo?"
"'Yun pong halos tumupok sa bahay niyo.... Tumumba po 'yung isang
nakasinding kandila, tapos nagliyab 'yung kurtina at mabilis na kumalat
ang apoy...."
"Ano? Puuut.... E, may kuryente naman diyan sa bahay-bakasyunan, a.
Para saan 'yung kandila?"
"Para sa burol po."
"Ano? Kaninong burol?
"Sa nanay n'yo po, Sir. Bigla kasi siya dumating dito nu'ng isang
gabi, walang kaabi-abiso. Lampas hatinggabi na. Akala ko po magnanakaw.
Binaril ko."
-
Tsikot Member Rank 2
- Join Date
- Nov 2005
- Posts
- 368
December 4th, 2005 01:06 AM #2funny.... alam na kasing delikado ngayon eh... nag-iingat lang ang katiwala... hahahaha!!!!
-
tsikotilyo
- Join Date
- May 2005
- Posts
- 473
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Nov 2005
- Posts
- 30
December 4th, 2005 03:46 AM #4that made me laugh. its been a while since i read a good joke. nyc 1!
-
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Nov 2004
- Posts
- 26
-
Buhay na buhay ang BGC this evening. Bukas halos lahat ng restaurants. Sabi pa nung isang cashier...
Traffic!