OT: i just had my kitchen sink fixed, unfortunately nagleak yung isang faucet overnight, kinaumagahan, nabasa(soak) yung half portion ng floor area ng kitchen ko. Ang problem, dahil white yung kitchen floor tiles ko, nag-darkened(grayish) yung kulay ng half ng floor tiles na nabasa, ang sakit sa mata , the plumber said nag-darkened lang daw dahil basa pa, eh 3 days na ngayon, i was thinking na baka nag-stain na ang mga tiles dahil sa tubig. help naman mga handyman dyan.
na-try mo na ba yong usual na mga cleaner? mr. muscle, etc? masyado yata strong muriatic acid, baka masunog. try mo din kung di mag-work ibang cleaners.
Ano ba yung tiles mo? Ceramic or granite? Yung tiles ba talaga yung nangitim or yung filling in between the tiles?
Pag granite ang tiles mo, matagal talagang matuyo yan since porous ang granite. And malaking chance na magmantsa na yan. Pag ceramic tiles, dapat linis with regular tile cleaners and punas lang mawawala na yung itim/dumi.