New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 3 of 8 FirstFirst 1234567 ... LastLast
Results 21 to 30 of 72
  1. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    2,976
    #21
    I work for a financing company, and we have a savings bank as an affiliate.

    Kliyente namin si Korina Sanchez, and several other employees of ABS-CBN. Yung kay Korina, we were able to verify that she earns at least 750k/month, depende sa dami ng radio/TV shows niya. From other insiders, we learned that Willie earns 500k/month for Wowowee alone. But that was sometime in 2004 pa yata. I'm sure mas malaki na income nila ngayon.

    Alam ko naghirap itong mokong na ito before, nung una siyang nasibak sa noontime show niya noon (hindi pa Wowowee, kasama pa ata niya sina John Estrada at Randy Santiago). To the point na na-repossess yung Benz niya, because he wasn't able to keep his payments current.
    Last edited by Galactus; January 10th, 2008 at 07:41 AM.

  2. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    1,214
    #22
    FERRARI NI WILLIE ‘HOT CAR’
    Nina NILO MARASIGAN, IRISH ANN CRUZ, ROSE MIRANDA at NOEL ABUEL

    Namimiligrong kumpiskahin ng pamahalaan ang kulay pulang Ferrari 2006 model ng komedyanteng TV host na si Willie Revillame, pati na ang isa pa nitong mamahaling sasakyan, sa suspetsang ‘hot car’ ang mga ito.
    Ayon kay Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) chief Undersec. Antonio Villar, kaduda-duda umano ang mga do*kumento ng pulang Ferrari ng kontrobersyal na host ng noontime variety show ‘Wowowee’ ng ABS-CBN.

    Nabatid na sa ginawang berepikasyon sa Bureau of Customs (BOC) ay nakumpirmang ‘peke’ ang hawak na certificate of payment ni Revillame na nagpapatunay na binayaran niya ng P1 mil*yong buwis para sa mamahaling kotse.

    Lumitaw pa sa imbestigasyon na sa lalawigan ng Cebu nanggaling ang Ferrari ngunit sa plaka nito ay inestablisang sa Metro Manila ito nagmula, dahilan upang lalong pagdudahang ito’y isang ‘hot car’.

    Bukod pa rito, hindi lamang P1 milyon ang bayaring buwis para sa nasabing ‘luxury car’ kundi aabot ito sa P12 hanggang P14 milyon. Dahil dito ay lumabag umano sa Customs and Tariff Code ang may-ari ng nasabing behikulo na patuloy na iniimbestigahan kung ‘smuggled’ o ‘carnapped vehicle’.

    Maging ang isa pang mamahaling sasakyan ni Revillame na Hummer ay sinisilip na rin sa hinalang kuwestyunable rin ang mga dokumento nito.
    Nagpahayag na ng kahandaan ang Philippine National Police - Traffic Management Group (PNP-TMG) na imbestigahan ang hinihinalang ‘hot cars’ na pag-aari ng TV host.

    Nabatid naman kay Villar na ang ginagawa nilang berepikasyon sa rekord ng mga magagarbong sasakyan sa bansa ay bahagi ng kampanya laban sa nagkalat na ‘hot cars’. Nakatanggap umano sila ng reklamo mula sa mga lehitimong car dealers hinggil sa operasyon ng tinatawag na ‘gray market’ sa industriya.

    Ang lahat umano ng ‘record of payment’ ng mga luxury cars sa Land Transportation Office (LTO) ay biniberipika nila sa BOC at dito umano nila nahuli ang Ferrari at Hummer ni Revillame.

    Kaugnay nito, tumutok ngayon ang PASG sa pagkalkal sa iba pang mahahalagang detalye sa natisod na kuwestyunableng Ferrari ni Revillame. Partikular umano sa inaalam ng ahensya, ayon kay operations chief Atty. Edmund Arugay, ay kung saan, kailan at magkano binili ng TV host ang mamahaling kotse at kung sino ang tumulong sa kanya sa hawak na pekeng papeles.

    “Hinahanap pa namin ‘yung sasakyan niya. Ang problema, walang record sa Customs. May report kasi na shortly underva*lued ‘yung tax ng sasak*yan,” ani Arugay sa isang phone interview.

    Kaugnay nito, nagbigay na ng suporta sa imbestigasyon ang LTO laban sa lahat ng matutukoy na ‘hot car’ sa bansa, kabilang na rito ang pag-aari ng ‘Wowowee’ host.

    Ayon kay LTO special executive assistant Engr. Fernando Quiambao, hinihintay lamang nila ang pormal na request mula sa PASG bago kumilos bilang bahagi ng ipinatutupad na panuntunan.

    Sa nakalap na dokumento ng Abante, naka*pangalan sa isang Pedro Lanuza ng Valenzuela City ang 2-door red Ferrari na naisyuhan ng plakang ZGM 430 at nakarehistro sa lalawigan ng Cebu.


    > front page sa abante ngayon.. hehehe
    Last edited by boybi; January 10th, 2008 at 02:18 PM.

  3. Join Date
    May 2007
    Posts
    2,640
    #23
    Naku.... May araw din talaga yang menyek na yan! Tignan mo nga naman, every year na lang nasasabit sya sa kontrobersiya! Kakambal na talaga nya ang malas sa buhay! Karma karma lang yan mga kapatid!

  4. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,162
    #24
    Ang lahat umano ng ‘record of payment’ ng mga luxury cars sa Land Transportation Office (LTO) ay biniberipika nila sa BOC at dito umano nila nahuli ang Ferrari at Hummer ni Revillame.

    Kaugnay nito, tumutok ngayon ang PASG sa pagkalkal sa iba pang mahahalagang detalye sa natisod na kuwestyunableng Ferrari ni Revillame. Partikular umano sa inaalam ng ahensya, ayon kay operations chief Atty. Edmund Arugay, ay kung saan, kailan at magkano binili ng TV host ang mamahaling kotse at kung sino ang tumulong sa kanya sa hawak na pekeng papeles.

    Hummer at Ferrari ni Willie...
    Wala akong masabi!....
    Di ba't gimik niya ay as Wowowee?
    Cry cry na naman sa TV 'yan baby...

    5101:pcwhack:

  5. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    45,927
    #25
    Di ako fans ni Willie, pero bilib ako sa kanya.

    Kahit anong problema na-o-overcome nya. He always bounces back from any setback.

    Im sure di lang wowowee ang income nya. Baka hindi pa nga main source of income nya ung sweldo nya from ABSCBN

    He's a shady character. Who knows where and how he gets his other money.

    Madami contacts yan. He's the kind of person who will engage in shady deals with other shady characters.

    Matakot tayo if he runs for public office. Pwede nya gawin yun... he has a huge fan base

  6. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #26
    Quote Originally Posted by glenngj View Post
    FERRARI NI WILLIE ‘HOT CAR’
    Nina NILO MARASIGAN, IRISH ANN CRUZ, ROSE MIRANDA at NOEL ABUEL

    Namimiligrong kumpiskahin ng pamahalaan ang kulay pulang Ferrari 2006 model ng komedyanteng TV host na si Willie Revillame, pati na ang isa pa nitong mamahaling sasakyan, sa suspetsang ‘hot car’ ang mga ito.
    Ayon kay Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) chief Undersec. Antonio Villar, kaduda-duda umano ang mga do*kumento ng pulang Ferrari ng kontrobersyal na host ng noontime variety show ‘Wowowee’ ng ABS-CBN.

    Nabatid na sa ginawang berepikasyon sa Bureau of Customs (BOC) ay nakumpirmang ‘peke’ ang hawak na certificate of payment ni Revillame na nagpapatunay na binayaran niya ng P1 mil*yong buwis para sa mamahaling kotse.

    Lumitaw pa sa imbestigasyon na sa lalawigan ng Cebu nanggaling ang Ferrari ngunit sa plaka nito ay inestablisang sa Metro Manila ito nagmula, dahilan upang lalong pagdudahang ito’y isang ‘hot car’.

    Bukod pa rito, hindi lamang P1 milyon ang bayaring buwis para sa nasabing ‘luxury car’ kundi aabot ito sa P12 hanggang P14 milyon. Dahil dito ay lumabag umano sa Customs and Tariff Code ang may-ari ng nasabing behikulo na patuloy na iniimbestigahan kung ‘smuggled’ o ‘carnapped vehicle’.

    Maging ang isa pang mamahaling sasakyan ni Revillame na Hummer ay sinisilip na rin sa hinalang kuwestyunable rin ang mga dokumento nito.
    Nagpahayag na ng kahandaan ang Philippine National Police - Traffic Management Group (PNP-TMG) na imbestigahan ang hinihinalang ‘hot cars’ na pag-aari ng TV host.

    Nabatid naman kay Villar na ang ginagawa nilang berepikasyon sa rekord ng mga magagarbong sasakyan sa bansa ay bahagi ng kampanya laban sa nagkalat na ‘hot cars’. Nakatanggap umano sila ng reklamo mula sa mga lehitimong car dealers hinggil sa operasyon ng tinatawag na ‘gray market’ sa industriya.

    Ang lahat umano ng ‘record of payment’ ng mga luxury cars sa Land Transportation Office (LTO) ay biniberipika nila sa BOC at dito umano nila nahuli ang Ferrari at Hummer ni Revillame.

    Kaugnay nito, tumutok ngayon ang PASG sa pagkalkal sa iba pang mahahalagang detalye sa natisod na kuwestyunableng Ferrari ni Revillame. Partikular umano sa inaalam ng ahensya, ayon kay operations chief Atty. Edmund Arugay, ay kung saan, kailan at magkano binili ng TV host ang mamahaling kotse at kung sino ang tumulong sa kanya sa hawak na pekeng papeles.

    “Hinahanap pa namin ‘yung sasakyan niya. Ang problema, walang record sa Customs. May report kasi na shortly underva*lued ‘yung tax ng sasak*yan,” ani Arugay sa isang phone interview.

    Kaugnay nito, nagbigay na ng suporta sa imbestigasyon ang LTO laban sa lahat ng matutukoy na ‘hot car’ sa bansa, kabilang na rito ang pag-aari ng ‘Wowowee’ host.

    Ayon kay LTO special executive assistant Engr. Fernando Quiambao, hinihintay lamang nila ang pormal na request mula sa PASG bago kumilos bilang bahagi ng ipinatutupad na panuntunan.

    Sa nakalap na dokumento ng Abante, naka*pangalan sa isang Pedro Lanuza ng Valenzuela City ang 2-door red Ferrari na naisyuhan ng plakang ZGM 430 at nakarehistro sa lalawigan ng Cebu.



    > front page sa abante ngayon.. hehehe
    anlaking tcash nito

  7. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    1,456
    #27
    Anak ng tipaklong, di ba sinabi nya dati na sa abs cbn na lang siya natutulog kasi pinaalis na siya ng asawa niya at ala na raw siyang pera? Tapos meron palang ferrari at hummer ang kupal. WTF? Sobrang lying a-hole ang taong ito.

  8. Join Date
    May 2007
    Posts
    2,640
    #28
    Quote Originally Posted by uls View Post
    Di ako fans ni Willie, pero bilib ako sa kanya.

    Kahit anong problema na-o-overcome nya. He always bounces back from any setback.

    Im sure di lang wowowee ang income nya. Baka hindi pa nga main source of income nya ung sweldo nya from ABSCBN

    He's a shady character. Who knows where and how he gets his other money.

    Madami contacts yan. He's the kind of person who will engage in shady deals with other shady characters.

    Matakot tayo if he runs for public office. Pwede nya gawin yun... he has a huge fan base
    Come to think of it Sir ULS, you are right! Maging backer mo na nga lang si Kabayang Noli de Castro eh malaking bagay na para sa kanya yun! (hehehehe)

  9. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    45,927
    #29
    syempre press release lang nya yan

    alam nyo naman si Willie, he is projecting a public image na humble sya, love nya mga poor, gusto nya tulungan ang mga mahirap, happiness daw nya magpasaya ng tao....

    ---------------------------------------------

    diba madami US based pinoys nagbibigay ng pera sa show nya para makatulong sa mga poor contestants?

    Question: Do the cash gifts go into an ABSCBN account? Or since Willie is the public figure representing Wowowee, do the cash gifts go into his personal account? pwede diba?

    Nakakarating nga ba ang pera sa mga contestants?

    point ko lang, since Willie is famous (not only here but abroad thanx to TFC), opportunities to make money present themselves to him (legal or not)

    So it isnt surprising he can afford a ferrari or whatever super-expensive cars
    Last edited by uls; January 10th, 2008 at 12:54 PM.

  10. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    2,976
    #30
    According to some forumers at HCP, 10M daw ang talent fee ni Menyak Willie, pero may nagsabi din na 95/k lang per day (570k per month *95k*26 days)

    http://z3.invisionfree.com/HCP/index...howtopic=41757
    Last edited by Galactus; January 10th, 2008 at 12:47 PM.

Page 3 of 8 FirstFirst 1234567 ... LastLast
FERRARI ni willie kukumpiskahin dahil HOT CAR!