ask ko lang po. kung nagpatulong ang pamahalaan sa FBI at Australiano ibig sabihin ba nito na wala silang tinatago? kasi kung may tinatago ka di mo ipapa-imbestiga sa iba. lalo na sa mga dayuhan.

kasi marami po ang nag sasabi na malakanyang ang may kakagawan nito. di po ako maka-gma pero di pa tapos ang imbestigasyon may hatol na ang iba.

tulad ng sinabi diyan ng iba gagawin ba eto ng malakanyang kung ang mabuting kalagayan ng ekonomiya ay ang tanging mabuti lang na "kakakgawan" nila?

kutob ko po na di masayadong babagsak ang ekonomiya dahil pumapasok pa rin ang padala ng mga OFW at ang mga pamilyang OFW ang bagong middle class. sila ang gumagastos ngayon dahil sila ang may pera. baka nga bumagsak ang stock market pero di eto konektado sa pag gastos ng mga OFW. kung tutuusin. sila ang dahilan ata kung bakit maganda ang ekonomiya. baka naki sakay lang ang pamahalaan.