Kaninang umaga mga 11:30 am, nahold-up ang cash and jewelries ng Papa's pawnshop dito sa kanto ng Mayhaligue/Severino reyes St. Sta.Cruz Manila.

Every day kasi umaga at hapon may Revo na pumupunta sa papas to collect and then deposit cash and jewelries ng papas.
3 policemen ang nakasakay dito lagi 1 naka-uniform. Lahat may pistols and M-16. Usually may 1 WPD mobile car na back-up with 2 policemen. Kanina wala silang back-up. Just 250 meters away from Papas, meron palang nag-aabang na maroon revo sa kanto and biglang bumaba 3 hold-up men with M-16s and Baby Armalites daw accdg. to our guard who saw all the actions sa 2nd flr. parking ng bldg. 3 long rounds daw ang binanat ng mga holdupper 1 aiming sa tires, the 2 sa windows rumatrat. Patay agad yung sa Passenger side, one of the holduppers umakyat sa hood binabasag ang windshield with his M-16. The 3rd policeman at the back seat fired hitting the holdupper at the hood pero sa balikat lang tumama. Sabay itong police bumaba tumakbo papunta sa katabing bakery tinamaan sa paa then one of the holduppers hinabol pa siya at sa loob ng bakery nirat-rat kaya patay din. The driver policeman critical ang condition pero may chance daw mabuhay.

Nag-hiwahiwalay ang mga holduppers. The maroon revo was abandoned at Bambang LRT station while the other 2 hold-uppers were seen walking to the next street ( T.Mapua) yung isang may tama sa balikat hindi mabuhat ang bag na puno ng cash/jewelries kaya hinihila nalang nya while the other guy ang nakaporma with his M-16 as lookout.

Sa T.Mapua naman tinutukan nila isang private car ( parang crv daw not sure) pinababa ang passenger pero yung driver sinama.
Baka hindi sila marunong mag-drive or as hostage.

Ang hindi clear kung bakit nagkahiwalay ang 2 holduppers sa iba nilang kasama riding the maroon revo. Siguro nagkagulo na sa putukan. Ang dami daw ng rounds fired sabi ng guard dito sa bldg. kitang kita nya umuusok daw yung mga armalite.

After 10-15min. bago dumating ang unang mobile car sa scene. Then mga naka-motorcycle policemen.
Sabi nga ng bystanders kung mabilis sila naka-respond naabutan pa nila yung 2 may dala ng cash/jewelries dahil naglalakad hila-hila yung pera bago nakakuha ng get away car. Wala kasi masyado cars dito sa dumadaan kaya sa next street pa sila nakakuha ng kotse.

May nagtext sa police na isang sugatan daw nakita nag-check in sa isang low class hotel sa avenida, wala pa balita abt that.
Watch the news tonight dahil nandito agad ang 7,2 and 9.