Results 1 to 10 of 58
Threaded View
-
September 26th, 2013 01:24 AM #21
i think one problem here is may mga parents "binebeybi" ang mga anak, that includes me, "di ko hahayaan mangyari sa anak ko yung mga hirap ko nung bata" true enough yun nga nangyayari, as a parent we never realize na yung hirap ang bumubuo sa ating pagkatao. experience ika nga.
napansin ko yan sa kwento ng mga magulang at lola ko, kwento ni lola nung kabataan nya may dala syang isang sakong bigas sa balikat lalakad papunta sa kabilang bayan para ihatid ito. norm sa kanila noon yun, pero ngayon mo gawin sa kabataan yan at child abuse ang ipaparatang sa yo.
sa tatay ko naman pag may sugat sila, pag pinaliliguan sila ng magulang nila, sabon lang katapat ng sugat, kakayurin ng bimpong may sabon yung sugat at mamumuti sa linis, bubunghalit ang tatay ko ng iyak, bumubwelo pa lang ng iyak tatay ko at humuhugot ng hininga para umiyak eh bubuhusan na ni lola ng tubig sa mukha para banlawan, ayun imbis na bumunghalit ng iyak nalunod sa buhos ng tubig.
pero nung ako na may sugat, tatay ko gumagamot, ingat na ingat tatay ko, hinihipan pa yung sugat habang nilalagyan ng gamot para di masakit, malayong malayo sa ginagawa ng magulang nila. ngayon bahira na naglalakad hanggang sa susunod na bayan, mga kabataan ngayon lalabas lang ng kanto aarkila pa ng sidecar/padyak, ayaw mainitan ayaw pagpawisan, may mga lalaki pa nga na may payong pa ayaw mainitan.
and true enough kahit ako binebeybi mga anak ko, nung kabataan ko elemntary pa lang nakakapagbike na ko sa kalsada at nakakapunta sa malayo, sumasakay na ko jeep magisa, ngayon sa mga anak ko di ko maturuan mag commute, bawat punatahan nila hatid ng kotse, wala kasi akong tiwala sa mga tricycle driver sa min.
Yes. waiting for official word on the "5" pero rumors are saying na wala syang ADAS.
Yaris Cross 1.5 S HEV CVT vs BYD Sealion 6 DM-i