New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 6 12345 ... LastLast
Results 1 to 10 of 54
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    729
    #1
    Got victimized today. May nagsasabi na ipakulong namin yung maid ko, pero nananaig pa din yung awa sa akin. Alam naman namin na hindi siya ang nakinabang, pero andun pa din yung fact na siya yung naglabas ng mga nawala naming valuables by breaking my wife's jewelry box and handing it to those crooks. yung pababayaran sa maid yung mga nawala is out of the question kasi medyo malaki ang nadale sa amin at kahit ibayad yung sweldo nung maid monthly , matanda na siguro siya di pa din siya makakabayad. Kung ako lang kasi, ang kasalanan nung maid is her plain and simple katangahan. Sorry po, nakakainis lang kasi at wala akong mahingahan ng sama ng loob, pero naaawa din naman ako dun sa aming maid, pati yung mga pulis na nag imbestiga, sinabing kawawa nga pag nagkataon yung aming katulong pag siya ay nakulong.

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,801
    #2
    Patawarin mo na lang kapatid kung na-aawa ka. Hayaan mo na lang na may mabiktima ulit then hopefully ma-awa sa kanya yung bago nyang amo. Then its gonna go on and on and on...

    Pati pulis na-awa, ayos! Patawarin mo na lang kapatid!

    "poverty and stupidity is not an excuse"

  3. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    1,419
    #3
    Bro patawarin mo na lang. Kahit katulong mo biktima rin. At hindi naman sa minamaliit ko ang mga katulong pero kaya ng naging katulong kasi medyo mahina kung matalas ang ulo niyan hindi katulong yan dapat manager ng isang kumpanya. At siguro dapat nainform mo ring sila tungkol sa mga ganyang raket para hindi siya na biktima.

  4. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #4
    Oo nga P're, patawarin mo na lang. Sabihan mo na lang na lagi na lang mag-iingat, sa susunod huwag na siyang magtitiwala sa ibang tao, lalo na kung di kilala. Yung mga nawalang jewelry or cash, mapapalitan naman yan.

  5. Join Date
    May 2005
    Posts
    689
    #5
    Anong klaseng dugo-dugo gang ang dumale sa katulong mo 'pre? Via telephone or pumunta sa bahay nyo? Iniisip ko lang baka natiktikan nilang naiiwan mag-isa yung katulong nyo sa bahay. Or sure ka ba na hindi accomplice yung katulong?

  6. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    4,313
    #6
    Got victimized too. My suspicion was that the maid was part of the gang.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    729
    #7
    el chicane, yung sa telephone na style, suspetsa ko nga natiktikan kami, dahil nagkaroon na kasi ng pattern na iniiwan lang na nag iisa sa bahay. What touched me was when she was asked by the police why she came back so late( after "waiting" for my wife for 4 hours to be "released" ), she was concerned na baka maulanan yung mga teen aged daughters dahil hindi sila makakapasok sa bahay, dala kasi lahat ng maid namin yung mga keys ng bahay, kailangan pa nilang lagariin yung mga grills namin. We'll, i guess malamang ipagpasa Diyos ko na lang. masakit mang isipin kasi naipundar namin ito nung araw pa, we lost more or less about 500Kpesos in jewelries . add ko lang, 17 years old lang yung katulong namin and siya ang nag forced open dun sa kinalalagyan ng jewelries. Thanks sa replies, yumg mga relatives ko, gusto kasi ipa detain na para makasuhan yung maid, iniisip ko na nga lang, kikitain ko pa naman yan.

  8. Join Date
    Jan 2004
    Posts
    6,497
    #8
    by doing that good deed yun pagpapatawd sa katulong mo, for sure you will be rewarded more than what you've lost

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    729
    #9
    Quote Originally Posted by Karding
    Patawarin mo na lang kapatid kung na-aawa ka. Hayaan mo na lang na may mabiktima ulit then hopefully ma-awa sa kanya yung bago nyang amo. Then its gonna go on and on and on...

    Pati pulis na-awa, ayos! Patawarin mo na lang kapatid!

    "poverty and stupidity is not an excuse"
    Got your point bro, Salamat sa reply.

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #10
    imho, dugo-dugo takes advantage nung ka-ignorantehan ng mga "maids" natin... afaik, walang kasalanan yung maid mo. everyone is at risk in being victimized by these people. nasa atin na lang how we train or inform our "maids" on how to handle them.

    (p.s.: palagay ka ng PLDT caller ID.. tapos turo mo sa maid mo kung pano gamitin para di na maulit ulit...)

Page 1 of 6 12345 ... LastLast
dugo dugo victim. what will you do?