Heto po yong meguiars cordless buffer ko (brand new) pero may problema yong battery dahil kahit fully charged na hanggang 5 minutes lang tumatagal ang ikot. Walang problema yong motor, yong battery lang talaga.
Nagdecide ako na iconnect na lang ng direkta sa kuryente at dahil yong transformer na kailangan ay halos kasingpresyo na nitong buffer naghanap na lang ako ng alternative at eto yong nakita kong mura.
Eto ay 12 volts 4 Amp Compact Battery Charger. Yong meguiars buffer ay 5 volts lang ang motor at walang nakalagay na wattage nor amperage. Pero I'm sure na okey lang yong 4 Amp. Natest ko na ito at gumagana naman kaya lang medyo mas mabilis ng konti ang ikot kesa sa pag battery ang nakakabit.
The question is... okey lang kaya yong 12 volts na power supply para sa 5 volts na motor nong buffer. Okey lang bang gamiting source ng power yong charger although na di naman talaga yon ang purpose non.
Sorry po wala akong alam sa kuryente at sayang naman kung di ko pakikinabangan yong buffer.
![]()


Reply With Quote
