this AM, i went to QC City Hall to follow-up my birth certificate.
actually, meron naman na ko kopya ng birth certificate ko, kaso kelangan ng NSO certified sa pagkuha ng passport e. so eto na, punta na ko LCRO (Local Civil Registry Office) at fill-up ng application form para makuha ung BC ko. tapos pagdating ko dun, kelangan daw ng Registry # at kung maari ung mga Court Order (adopted kasi ako... Ü).
umuwi ako ngayon para kunin mga papeles. pagdating ko dun, sabi kunin ko daw ung Finality sa Branch 90 ng QC RTC. grrr ang init-init ng panahon tapos pag0d na ko, pabalik-balik pa!!! eh di sige, punta na lang ako RTC 90 para lang matapos na. pagdating ko dun, wala na daw ung Finality kasi matagal na daw yun at nasama na sa mga nasunog na papeles nung nasunog ang City Hall (wayback 1988).
balik LCRO na naman ako. pagdating dun, ID naman ang hinahanap. buti na lang may dala ako. tapos nun, naghanap naman ng photocopy ng mga papeles (certified true copy), sabi ko, wala na ko panahon magpa-certify nun. cge pinirmahan na lang nung babae sa counter.
tapos ok na mga requirements. binigyan na ko ng papel na naglalaman ng magkano babayaran ko.... tumataginting na P600.00 para lang sa ISANG piraso ng birth certificate.
sabi ko, may kamahalan sya, kaya di ko muna binayaran at umuwi na lang muna ako dahil duda ako dun sa P600 na un e... sabi ng kuya ko, mahal nga daw at maghanap na lang kme ng kakilala sa city hall para ilakad un.
btw, it took me the whole day para lang walang mangyari sa pagkuha ko ng BC.