New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 20 of 42
  1. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    4,600
    #1
    nakapulot ka na ba ng pera o wallet na may money pero walang i.d.? ano ginawa mo?
    nakapulot ako ng 20, 50, 100 at 1k na yung pinaka malaki .

    pag nakakapulot ako hinding hindi
    ko na sinasabi kay esmi dahil isa siyang malaking kj! ipinatatapon niya ulit kung san ko napulot.
    ito rin pala rason bakit nagawa ko itong thread nato nakapulot kasi ako ng 220php sa eastwood parking, nakita ni esmi na pinulot ko. kesa magtalo pa kami iniwan ko na lang ulit. badtrip! syet talaga!

    btw nawalan din pala ako ng pera diyan sa may eastwood mga 220php baka may napulot kayo pm me the and i'll pm you my details.
    thank you!

  2. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    8,452
    #2
    :rofl:

    Sayang yun, balik pera lang sana oh

    BTT:
    Oo pero hindi ko tinatago, ginagastos ko din agad

  3. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    57,767
    #3
    I don't remember at all... I'd probably leave the money alone. Baka mabalikan pa ng may ari.

  4. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    4,600
    #4
    Quote Originally Posted by Cathy_for_you View Post
    I don't remember at all... I'd probably leave the money alone. Baka mabalikan pa ng may ari.
    ayan din sinasabi ni esmi. nagagalit ako sabi ko maya adik makakuha.

  5. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,174
    #5

    A couple of nights ago, - sa Hypermart,- P20,- nakita kong nahulog sa isang mama na may nakasalpak na earphones(sa tainga niya) at mukhang malakas ang pinakikinggan,- sinisigawan ko na at about 5 meters away ay hindi pa ako marining... Ayaw ko nang habulin at mabilis ang lakad.... Bwiset iyang mga iyan!

    Idadagdag ko na lang ito sa koleksyon sa simbahan sa Linggo...



    22.3K:waltz1:

  6. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    4,600
    #6
    nagtataka lang din ako sa mga nakakaiwan ng large amount sa mga taxi. may nangyaring ganiyan sa kakilala namin.
    natatangahan ako sa kanila.

  7. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,495
    #7
    Tatay ko nakapulot dati sa may kanto namin mga 20k ata ang napulot nya.

    Pagkakita dampot sabay uwi sa bahay namin.

    Hindi na lumabas hanggang kinabukasan.

  8. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    8,555
    #8
    Bwenas daw ang napulot na pera. I have at least Php 250 in my wallet na "napulot" lang, an assortment of 20's, 50's and a 100. I dont spend it.

  9. Join Date
    Apr 2010
    Posts
    384
    #9
    Hindi pera kundi chip. Worth 1000. Nung nag punta ako ng Las Vegas while back in year 2002. Binigay ko lang sa Tito ko..


    Sent from whatever device I got my hands on via Tapatalk

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #10
    hanggang bente pesos lang..... nagkalat sa kalye...

  11. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,819
    #11
    Nung college ako, 75 pesos sa kanto ng edsa at quezon avenue. Walang-wala ako nun, maglalakad na nga lang ako from q.ave to congressional. Malakas ang hangin tapos sa corner ng mata ko meron ako nakitang lumipad na sa isip ko e hindi dahon yun kasi iba kulay. Hinabol ko, 50, 20 saka 5 (opo, nung araw e papel ang 5 pesos!) Ask ko yung matanda na nagtitinda ng yosi hindi naman daw sa kanya. Ask ko yung nagtitinda ng mani, di rin sa kanya. Ask ko yung nagtitinda ng dyaryo (tiktik ) di rin daw sa kanya. Sabi sa akin nung matandang babae na nagtitinda ng mani e swerte ko na daw yun sa akin na daw. So ayun nagkaron ako ng pamasahe pauwi at baon for 4 the next 2 days. :-) wala e, asa lang kasi sa scholarship, share pa kami ng sister ko dun sa stipend ko sa scholarship kaya pag 3 blue book ang nabili sa isang araw wala na pamasahe pauwi.

    Ngayon pag nakakapulot ako at di ko mahanap mayari either iiwanan ko sa guard (swerte na nya yun) or hulog sa church pag sunday.

  12. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    17,338
    #12
    Twice.

    First time was 3K na naiwan sa ATM booth sa bank on a Sunday evening. Nakapatong Lang sa table na may mga slips. I waited over 20 mins and walang bumalik and wala rin guard. I called the manager the next day and informed him of my find and had it sent via messenger.

    The next time sa ATM din. P500 na naiwan sa dispenser. Since it was banking hours, I surrendered it to the manager right after.

  13. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    6,099
    #13
    I did. Last November, i saw 7k on the front seat of the van.

    I called the guest, told her that they left a certain amount in the front seat. She said, that's our tip for you.

  14. Join Date
    Jun 2011
    Posts
    4,513
    #14
    Quote Originally Posted by CLAVEL3699 View Post
    Tatay ko nakapulot dati sa may kanto namin mga 20k ata ang napulot nya.

    Pagkakita dampot sabay uwi sa bahay namin.

    Hindi na lumabas hanggang kinabukasan.

    sir clavel!!! salamat at kayo nakapulot ng PERA KO!!!

    daan ko nalang mamaya sa bhay mo.. he.he..

  15. Join Date
    Jun 2011
    Posts
    4,513
    #15
    i was trailing a passenger van while it unloads passengers at sm fairview, i saw a lady who just step out of a van and drop her small handkerchief... hindi pala panyo yun.. small wallet pala.. may 1k na papel no id... hinanap ko pa sa tingin yung girl.. pero hindi ko na makita... ayun.... binulsa ko nalang.. at wala din akong pera... sabi ko nalang thank you lord... wala naman id eh...

  16. Join Date
    Jun 2011
    Posts
    4,513
    #16
    Quote Originally Posted by CLAVEL3699 View Post
    Tatay ko nakapulot dati sa may kanto namin mga 20k ata ang napulot nya.

    Pagkakita dampot sabay uwi sa bahay namin.

    Hindi na lumabas hanggang kinabukasan.

    sir clavel!!! salamat at kayo nakapulot ng PERA KO!!!

    daan ko nalang mamaya sa bhay mo.. he.he..

  17. Join Date
    Jan 2014
    Posts
    475
    #17










    yes naka pulot nako ng pera 500, asa shop sasakyan ko nun kaya nag commute ako papasok ng maaga. naka tayo ako kase abang sunud pila jip pero dipa ganu madami mga pasahero, dumaan yung isa ale sa harapan ko medyo nasagi pa ako pero diko nalang pinansin, tas napa tungo ako ng bigla tas nakita ko 500 naka tupi asa malapit sa paanan nung ale kaya ang ginawa ko sinimplehan ko lapitan yung ale at tinapakan yun per tapos sabay yuko kunyari inaayos ko tali ng sapatos ko sabay simple ng kuha ng pera. buti bigla sya sumakay ng jip sa pila ako naman sabay tayo at alis sa pilahan para di mahalata. sabay tawid sa kabila kalsada at napapara pa ng di oras ng taxi kaya yung 500 ang ibinayad ko sa taxi..

  18. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    10,310
    #18
    College days, sa area ng isetan recto, may korean na nakahulog ng pera na nakarolyo, 500 yata lahat, ang kapal eh, mga 5 figures siguro yun. Pasakay na yung korean ng taxi, tinawag namin ang atensyon ng korean at sinabing "you dropped your money". Kaso biglang may mga tambay na tumayo dun sa pera, inapakan. Di ko na alam nangyari. Umalis na kami ng kaklase ko dahil nakakatakot yung mga tambay. Sa tingin ko di magaatubiling manakit ng tao yung mga yun kung paldong pera na pinaguusapan


    Sent from my iPad using Tapatalk

  19. Join Date
    Nov 2010
    Posts
    25,276
    #19
    Madami-dami na din but usually barya. kahit kasi .25 pinupulot ko. Advantage of a coin purse hehe.

    Pinaka-malaki was last december, P500 iirc (hindi pa ako lasing ha) sa isang karaoke/videoke bar. Lashing na siguro may-ari. 2am na eh. hehe

  20. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    4,600
    #20
    Quote Originally Posted by Sarsi View Post
    I did. Last November, i saw 7k on the front seat of the van.

    I called the guest, told her that they left a certain amount in the front seat. She said, that's our tip for you.
    7k totoo? baka tinamad ng balikan ng guest mo ser?

Page 1 of 3 123 LastLast

Tags for this Thread

nakapulot ka naba ng pera?