Ano ba secret nila bakit Sobrang kapit ng laundry soap smell sa mga damit?
Ano ba secret nila bakit Sobrang kapit ng laundry soap smell sa mga damit?
pwedeng dinadaan nila sa dami ng fab. softner or pwede rin, after laundry dilute ka ng softener sa sprayer tapos directly spray habang naka hanger. ganito gawa ko pag nasa laboratory ako![]()
I'm trying to have it replicated sa mga katulong pero wala talaga eh
I have them tried to put more laundry soap (liquid and or powder) sa recommend ng laundry soap manufacture. Umapaw na yun bula sa washing machine, ganun pa rin.
Pins abad ko ng matagal like half a day before paandarin washing machine hinde pa rin magaya yun Amoy pag sa laundry shop
Pinagamit ko yun automatic washine machine mas nagastos Lang sa tubig dahil ilan beses nag rinse dahil sobra sobra sa Sabon.
Pinagamit ko sa manual na washing machine na Huwag I-rinse mga damit I-diretso sa spinner tapos doon na lang I point yun water inlet para mag banlaw konti sabay spin. Ganun pa rin
Nagiging mabango lang yun mga damit pag gumamit ng fabric conditioner I like the smell of the black downy perfume edition.
Sa mga meron laundry shop Ano ba secret ng paglalaba ginagawa ninyo?
Meron silang nilalagay na fabcon sheets sa dryer. Nagrerelease ito ng bango habang niluluto ang damit. Nakakakita ako ng similar sheets sa Landmark I think. Meron din yan malamang sa ibang malalaking groceries.
Shadow mukhang desidido ka talaga ah? hehe
ako naman hindi ko trip na amoy sabon panlaba / laundry shop yung damit ko.
sana makuha mo sang sikreto nile![]()
gumagamit din kami nun, pero bakit amoy sabon pa rin yun mga nilalabhan nila pag wash and fold lang? hinde naman lahat ng damit drier nila eh.
saka ano nga pala ginagamit ninyong mga laundry soap/powder...ngayon ginagamit namin eh yun surf na laundry soap..ano ba mas maganda para sa washing machine?
nakita ko sa grocery yun champion yata meron nakasulat ng "made for washing machine" totoo ba yun ano ba difference regular detergent powder from doon sa champion?
Last edited by shadow; November 27th, 2014 at 11:36 AM.
miss lang malamang ni shadow yung amoy ng towel at bed sheet sa sogo. o sa happy?
May kakilala ko pag tinanong ko ano gamit niyang sabon panglaba kasi ang linis ng mga damit nya kahit luma na: Basta daw bumubula.... nasa way din ng paglaba.
Downy Anti-bac ang napirmihan namin sa dami ng iba ibang scents available. Ariel naman sa puti during babad then damay na colored dun dahil sila na susunod sa machine. Tide original scent naman sa pangalawang sabon. Traditional style lang na laba: 1 banlaw - 1sabon - 2 banlaw - 1sabon ulit then 3 banlaw - spin dry. Ayos na!
Yung Eyriel ni kris a. sa puti. Sa decolor kahit na ano. Yung fabcon downy garden bloom.
Yung last banlaw gamitan ng fabcon, then s. dry, para maiwan yung bango.
Try to use downy original scent medyo medyo may resemblance sila. Eto din minsan pinapapahid ko sa maid sa sahig with water kaya medyo amoy downy yung shihtzu ko. hehehe!
well, actually hindi ko din magaya yung amoy ng laundry shop mismo. lately lagi nalang ako nag papa laundry dahil pagod sa work.
pero try mo yan medyo kaamoy naman kahit papaano.
meron silang fabric conditioner spray, before nila ibalot yun laundry mag spray muna sila, according to my officemate na may laundry shop
meron atang available for retail, pero linen spray ang tawag
Sa suki kong laundry shop, they use LPG fed heaters/blowers para matuyo mga damit, especially during rainy season.
^ one time pa laundry ako comforter. Pag-tanggal ko sa plastic, maasim amoy. Yun pala wala sila dryer. Sampay-sampay lang. E tag ulan pa.......
Di na ku umulit pa.
napansin niyo ba na ang lakas ng downy kuno nila tapos yung mga damit may mantsa pa.
pag sininghot mo yung damit may amoy pa rin na parang di nilabhan?
ito seryoso mga last year ata nawalan ako ng shirt.
nireklamo ko. after awhile tumawag yung kupal na tauhan ng laundry nakita na daw yung "item" ko.
pag punta ko rag o floormat yung nakita nila na may nakalagay na WELCOME binibigay sakin.
sabi ko t-shirt yung nawawala ko na may naka print na WELCOME. mga ungas. iniisip ko rin kung mukhang basahan na yung shirt ko.