
Originally Posted by
ratboy
Naaadik ako ngayong year sa pagaaral, ang dami ko pinagkukuha mga short courses. Sa construction industry ang field ko pero kumuha ako ng mga short courses na pang master electrician at mechanical, gusto ko lang pangdagdag kaalaman. Chill naman kasi kami sa business namin kaya may time ako sa short courses. Tapos nag aral din ako ng mga online course naman about sa programming pinilit ko pagaralan ulit kahit na ito ang waterloo ko during college days hahaha hirap na hirap ako nun pagdating sa coding- python, javascript, html, css ang mga pinag aralan ko this year. Tempting din yung mga amazon web service online courses like solutions architect, cloud computing, system ops, etc. free lang kasi tapos may certification exam pa.
Nag apply na rin ako ng MBA sa iba't ibang schools dito tsaka sa abroad. Gusto ko rin kasi magkaron ng deeper understanding sa management science, finance, economics. Pag walang napasukan na mba school try ko naman siguro data science program ng AIM, so kailangan ng refresher ulit sa calculus at stat haha.
Ewan ko ba, bigla kong namiss siguro ang school at academic setup. Yung exams, projects, problem sets tapos sarap sa feeling na nagiimprove intellectual development mo at dumadami ang naiintindihan mo na bagay. Nagkaron ako bigla ng thirst for knowledge gusto ko maging all around na madami alam. Kung maibabalik lang ang oras kukunin ko na lang talaga na course sa college ay electrical engg or mechanical engg, pwede rin pre-med tapos medicine naiinggit kasi ako sa batchmates ko na mga residente na at ok din kasi ako sa memorization so mukhang fit din ako sa med at biology subjects. Hay sana may time machine at makabalik ako sa nakaraan.