New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 26

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #1
    Ibinunyag kahapon ni Sen. Alfredo Lim ang nauulinigang balak ng ilang galamay ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na isulong ang pagtibag sa rebulto ni slain Sen. Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr.

    Ang tinutukoy ay ang monumento ni Aquino sa panulukan ng Ayala Ave. at Paseo de Roxas sa Makati City. Ito ang bronze statue ng pinaslang na senador na nagpapakita ng mga huling hakbang habang bumababa sa tarmac ng noo’y Manila International Airport (MIA) nang barilin ng mga sundalong escorts, sang-ayon sa lumitaw na mga impormasyon sa panahon ng paglilitis sa kaso ng Aquino-Galman double murder case.

    Base sa nasagap na impormasyon ni Lim, idinadahilan ng mga personalidad na nagsusulong ng ideya na gibain ang Ninoy Monument na nakakasira diumano sa imahe at integridad ng mga sundalo ang naturang istatwa.

    "After this, what’s next? Should we start recalling all 500 peso bills bearing the face of Senator Aquino or change the name of Ninoy Aquino International Airport (NAIA)?" pangamba ni Lim.

    Naniniwala rin ang oposisyunistang senador na may kinalaman sa pulitika ang balak na ito lalo pa’t gigil na ang kampo ni Arroyo sa matigas na paninindigan ni dating Pangulong Corazon Aquino, biyuda ni Ninoy, na pababain sa puwesto ang huli bukod pa sa pag-isnab nito sa imbitasyong dumalo sa Council of State meeting.

    Bagama’t ayaw patulan ni Tarlac Rep. Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang hindi mapaniwalaang impormasyon, hindi rin nito maapuhap kung ano ang ilalatag na rason ng pamahalaan sa pagbabalak na tibagin ang rebulto ng kanyang ama. Kung gagawin umano ito ay maituturing na isa itong pagwawalang-bahala sa pagsasakripisyo ng kanyang ama para sa kalayaan ng bayan.


    =============================================



    Ano ito, ganti kay Cory dahil sa kontra suporta niya kay GMA? Pero sabi ni GMA "ass licker" Michael Defensor, di raw ito totoo.

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #2
    hmmm.probably, yung mga rally kasi na against sa kanya eh parating sa harap ng istatwa ni ninoy ginagawa.... hehehehe.

    pero malamang, yung theory nga ng pagganti ni gma kay cory ang pinakamalapit...

  3. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    131
    #3
    tatangalin na yung rebulto sa ayala.





    baka daw kasi sumama pa sa mga rally eh.

  4. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    1,539
    #4
    anu nanamang ktarantaduhan ito! wla silang mgwa! pwede ba atupagin nlg nila ung pagayos ng bansa natin!!

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    7,205
    #5
    ang babaw nun ha...

    pero ok lang, tagal na kasi nandun di pa rin makababa-baba ng hagdan.

  6. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    6,234
    #6
    May grupong nagreklamo. It's putting the AFP in a bad light daw. Ninoy looks like he's being setup for a bullet kasi parang tinutulak sya ng dalawang sundalo at nakayuko pa sila. The complaining group wants to point out that Ninoy's escorts were doing their best to protect their client. Actually this is not the first time that Ninoy's statue on Ayala was rebuilt. The first one currently resides in Tarlac.

    Read this off one of the newspapers a few days ago. Can't find the article anymore.

  7. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    1,218
    #7
    ... nakakasira diumano sa imahe at integridad ng mga sundalo ang naturang istatwa.
    :bwahaha: :bwahaha:

  8. Join Date
    May 2005
    Posts
    1,384
    #8
    i wonder saan naman napulot na lim yung info na ito .. if ever aalisin yan .. kukuha muna ng permit sa makati .. and siempre si binay ang unang mag-g-grandstand .. hehe ..

  9. Join Date
    Jan 2006
    Posts
    26
    #9
    Eh yung nsa 500 peso bill cguro kya aalisin din kc malas nakapangalumbaba... hehehe...

  10. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    6,685
    #10
    di ba yung orig na pababa na rebulto ni ninoy eh nilipat na sa hacienda luisita dahil ang paniniawala nila na malas yung "pababa" niya sa economy natin? so tatanggalin nanaman eh hindi naman pababa yung rebulto niya dun. puro pamahiin.

  11. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    4,293
    #11
    Ekonomiya hindi Estatwa ang prorproblemahin natin. BWESET!

  12. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,819
    #12
    kasi daw masyado malaki yung statue ni ninoy sagabal sa daan. papalitan na lang daw ng mas maliit na rebulto...














    ... ni pandak

  13. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #13
    Quote Originally Posted by yebo
    kasi daw masyado malaki yung statue ni ninoy sagabal sa daan. papalitan na lang daw ng mas maliit na rebulto...














    ... ni pandak


    Ayos! :bwahaha: :bwahaha:

  14. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    5,847
    #14
    Quote Originally Posted by yebo
    kasi daw masyado malaki yung statue ni ninoy sagabal sa daan. papalitan na lang daw ng mas maliit na rebulto...














    ... ni pandak
    :bwahaha:
    Cold war tawag dyan..

  15. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    4,293
    #15
    E di sana Trophy na lang nilagay....

  16. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    332
    #16
    Quote Originally Posted by Isuzoom
    E di sana Trophy na lang nilagay....
    uy, trophy daw.

    pareng impulzz. eksena na. sayang ang profit!!!


  17. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    3,153
    #17
    di ko nilalahat there are still some men of honor, but admit it there are men who accept cash ratehr than contained their dignity, for me if the monument hinders traffic, by all means trash the crap however, if it doesnt impinge the flow of traffic i dont see any other reasonable mean why gma should take it out except for revenge

  18. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,433
    #18
    OT:

    hmmm, go to the bottom of the page, bakit kaya ang ka similar thread nito e ito:

    Bakit Mahilig ang Lalaki... (R-18)

    Signature

  19. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    1,528
    #19
    Quote Originally Posted by boybi
    OT:

    hmmm, go to the bottom of the page, bakit kaya ang ka similar thread nito e ito:

    Bakit Mahilig ang Lalaki... (R-18)

    ...dunnno how this similar thread thing works pero may kinalaman ata sa word na "bakit".

  20. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #20
    mabuti nga siguro yun ganun para walang ng symbol ng reklamador sa gobyerno. masyado justified ang mga acts ng mga reklamador dahil na din sa role model nilang si Ninoy. time to move on ... nag move on na naman din mga kapamilya nya, ngaun puro mayayaman na at malalaki biz at showbiz hehehe pero ang mga pinoy mahirap pa din katulad ng 1986.

Page 1 of 2 12 LastLast
Rebulto Ni Ninoy Sa Ayala Titibagin? Bakit?