Results 1 to 10 of 26
Threaded View
-
January 18th, 2006 05:39 PM #1
Ibinunyag kahapon ni Sen. Alfredo Lim ang nauulinigang balak ng ilang galamay ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na isulong ang pagtibag sa rebulto ni slain Sen. Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr.
Ang tinutukoy ay ang monumento ni Aquino sa panulukan ng Ayala Ave. at Paseo de Roxas sa Makati City. Ito ang bronze statue ng pinaslang na senador na nagpapakita ng mga huling hakbang habang bumababa sa tarmac ng noo’y Manila International Airport (MIA) nang barilin ng mga sundalong escorts, sang-ayon sa lumitaw na mga impormasyon sa panahon ng paglilitis sa kaso ng Aquino-Galman double murder case.
Base sa nasagap na impormasyon ni Lim, idinadahilan ng mga personalidad na nagsusulong ng ideya na gibain ang Ninoy Monument na nakakasira diumano sa imahe at integridad ng mga sundalo ang naturang istatwa.
"After this, what’s next? Should we start recalling all 500 peso bills bearing the face of Senator Aquino or change the name of Ninoy Aquino International Airport (NAIA)?" pangamba ni Lim.
Naniniwala rin ang oposisyunistang senador na may kinalaman sa pulitika ang balak na ito lalo pa’t gigil na ang kampo ni Arroyo sa matigas na paninindigan ni dating Pangulong Corazon Aquino, biyuda ni Ninoy, na pababain sa puwesto ang huli bukod pa sa pag-isnab nito sa imbitasyong dumalo sa Council of State meeting.
Bagama’t ayaw patulan ni Tarlac Rep. Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang hindi mapaniwalaang impormasyon, hindi rin nito maapuhap kung ano ang ilalatag na rason ng pamahalaan sa pagbabalak na tibagin ang rebulto ng kanyang ama. Kung gagawin umano ito ay maituturing na isa itong pagwawalang-bahala sa pagsasakripisyo ng kanyang ama para sa kalayaan ng bayan.
=============================================
Ano ito, ganti kay Cory dahil sa kontra suporta niya kay GMA? Pero sabi ni GMA "ass licker" Michael Defensor, di raw ito totoo.