Results 1 to 10 of 26
-
January 18th, 2006 05:39 PM #1
Ibinunyag kahapon ni Sen. Alfredo Lim ang nauulinigang balak ng ilang galamay ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na isulong ang pagtibag sa rebulto ni slain Sen. Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr.
Ang tinutukoy ay ang monumento ni Aquino sa panulukan ng Ayala Ave. at Paseo de Roxas sa Makati City. Ito ang bronze statue ng pinaslang na senador na nagpapakita ng mga huling hakbang habang bumababa sa tarmac ng noo’y Manila International Airport (MIA) nang barilin ng mga sundalong escorts, sang-ayon sa lumitaw na mga impormasyon sa panahon ng paglilitis sa kaso ng Aquino-Galman double murder case.
Base sa nasagap na impormasyon ni Lim, idinadahilan ng mga personalidad na nagsusulong ng ideya na gibain ang Ninoy Monument na nakakasira diumano sa imahe at integridad ng mga sundalo ang naturang istatwa.
"After this, what’s next? Should we start recalling all 500 peso bills bearing the face of Senator Aquino or change the name of Ninoy Aquino International Airport (NAIA)?" pangamba ni Lim.
Naniniwala rin ang oposisyunistang senador na may kinalaman sa pulitika ang balak na ito lalo pa’t gigil na ang kampo ni Arroyo sa matigas na paninindigan ni dating Pangulong Corazon Aquino, biyuda ni Ninoy, na pababain sa puwesto ang huli bukod pa sa pag-isnab nito sa imbitasyong dumalo sa Council of State meeting.
Bagama’t ayaw patulan ni Tarlac Rep. Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang hindi mapaniwalaang impormasyon, hindi rin nito maapuhap kung ano ang ilalatag na rason ng pamahalaan sa pagbabalak na tibagin ang rebulto ng kanyang ama. Kung gagawin umano ito ay maituturing na isa itong pagwawalang-bahala sa pagsasakripisyo ng kanyang ama para sa kalayaan ng bayan.
=============================================
Ano ito, ganti kay Cory dahil sa kontra suporta niya kay GMA? Pero sabi ni GMA "ass licker" Michael Defensor, di raw ito totoo.
-
January 18th, 2006 05:43 PM #2
hmmm.probably, yung mga rally kasi na against sa kanya eh parating sa harap ng istatwa ni ninoy ginagawa.... hehehehe.
pero malamang, yung theory nga ng pagganti ni gma kay cory ang pinakamalapit...
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Nov 2002
- Posts
- 131
January 18th, 2006 06:30 PM #3tatangalin na yung rebulto sa ayala.
baka daw kasi sumama pa sa mga rally eh.
-
January 18th, 2006 06:48 PM #4
anu nanamang ktarantaduhan ito! wla silang mgwa! pwede ba atupagin nlg nila ung pagayos ng bansa natin!!
-
January 18th, 2006 06:49 PM #5
ang babaw nun ha...
pero ok lang, tagal na kasi nandun di pa rin makababa-baba ng hagdan.
-
January 18th, 2006 06:52 PM #6
May grupong nagreklamo. It's putting the AFP in a bad light daw. Ninoy looks like he's being setup for a bullet kasi parang tinutulak sya ng dalawang sundalo at nakayuko pa sila. The complaining group wants to point out that Ninoy's escorts were doing their best to protect their client. Actually this is not the first time that Ninoy's statue on Ayala was rebuilt. The first one currently resides in Tarlac.
Read this off one of the newspapers a few days ago. Can't find the article anymore.
-
January 18th, 2006 06:56 PM #7... nakakasira diumano sa imahe at integridad ng mga sundalo ang naturang istatwa.
-
couch potato
- Join Date
- May 2005
- Posts
- 1,384
January 18th, 2006 06:58 PM #8i wonder saan naman napulot na lim yung info na ito .. if ever aalisin yan .. kukuha muna ng permit sa makati .. and siempre si binay ang unang mag-g-grandstand .. hehe ..
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jan 2006
- Posts
- 26
January 18th, 2006 10:23 PM #9Eh yung nsa 500 peso bill cguro kya aalisin din kc malas nakapangalumbaba... hehehe...
-
January 18th, 2006 10:31 PM #10
di ba yung orig na pababa na rebulto ni ninoy eh nilipat na sa hacienda luisita dahil ang paniniawala nila na malas yung "pababa" niya sa economy natin? so tatanggalin nanaman eh hindi naman pababa yung rebulto niya dun. puro pamahiin.
Are they on track to surpass last year's sales?
Car Sales Data (2025)