on tow going to Sulu Sea near Tawi-Tawi (drill kami for oil/gas sa Sulu Sea, Philippine territory). 3 days na gusto ko matulog, tapos na lahat ng work load ko wala na kami ginagawa. di naman pwede mag-fishing. nahihilo na ako kakatingin sa dagat. konti lang nag-post sa forums. same din ang news sa online papers. di naman pwede matulog on duty ako. di pwede magbasa ng pocket book on duty nga e. di rin pwede manuod ng tv, on duty nga kasi! ano gagawin ko!!!!
ano ba pwede gawin? wag self-*** ha, bastus yun! saka ayaw ni misis ng *** on text!
kayo ano ginagawa nyo pag wala na talaga kayo makitang gagawin?
satelite link ang internet namin, indonesian satelite mura lang unlimitted. parang leased satelite channel pero madami kami mga rig na gumagamit.
nangaling na ko sa gym, masakit na muscles ko kakatingin sa mga gym equipment. sa imagination ko nag-rowing ako ng 10 miles, tumakbo ng 20 km, press ng 100... kakapagod pala! wag na lang!
naupod na soles ng boots ko kakalakad sa main deck. may hawak akong start cards (safety cards pang notofy ng unsafe conditions) wala naman ako makita. saka yung mga tao pag nakita ako nagtatago o humihinto mag-work, ayaw nila mabigyan ng start card. pasok na lang ako hehehe!
nabasa ko na sa internet ang inquirer, abs-cbn news, manila bulletin at manila times. saka yung hustler na naiwan ng karelyebo ko.