sorry mga pare sa pagkabigo ng TPI this round. medyo nag backfire ang plano ko.

malakas ang duda ko na si MrKweef ay multi ni dom4hire (WMD). pinasok ko lang siya sa pagkakataon na utuin (tingnan nyo ang mga post ko sa forum) ang WMD na hindi tayo threat sa kanila bilang maging #1 at makapasok man lamang sa top 3 sa bandang huli.

natalo tayo sa police war at DSP gang war dahil hindi na nag attack-out si MrKweef.

nanalo rin ang hoods at GDZ dahil nag dedeclare lang sila sa isa't isa ng war at sa police. kaya palaki nang palaki ang gang money nila. medyo may konting daya ito. nag resulta rin ito na mawala ang alliance ng WMD at Hoods.

pero kung sa lakas lang ng gang, 2nd tayo sa WMD. nakausap ko kasi si PQ, ang GF ng WMD. tayo lang daw ang nagpahirap sa kanila sa gangwar.

may mga ugong-ugong rin pala na nakipag alliance daw tayo sa DSP para manalo sa Prophet (dahil ginagawa daw tayong gatasan nito). pinagloloko rin ako ng mga hinayupak na babae ako.

sa susunod na pagkakataon mga katoto, buhayin ulit natin ang ilan nating mga kambal para ipasok sa ibang gangs. lalo na yung gamit ni ungas dati na si Krusty. sayang talaga - muntik na naman natin silang natalo.