New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 3 of 3
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,059
    #1
    My tito texted me a while ago, sa tabi ng grocery store nila na bilyaran may sumabog na bomba, madami nasugatan at patay, less than an hour pa lang daw ito nangyari nung tinanong ko kanina.

    Basag yung salamin Strada nya at tadtad ng sharp nails yata yung body, buti na lang walang nasaktan sa mga cousins ko at sa tito ko. pero kawawa daw yung mga nasa bilyaran kasi katapat lang eh paradahan ng tricycle.

    3 years ago wife ng tito ko namatay on the spot sa parehong lugar, may nag-attempt na magkidnap sa cousin ko pero nanlaban ang tita ko at di ibinigay yung cousing ko which is 10 years old during that time, pero dahil sa nanlaban sya binaril sya ng mga holduper sabay sakay sa motor.

    Sabi ko sa Tito ko habang maaga pa, kahit may mga negosyo sya duon, gawan na nya ng paraan para lumipat na sya dito sa Manila, nalalapit sila masyado sa disgrasya at kaming mga relatives nya ay masyadong nag-aalala.

    Grabe na masyado ang ibang tao ngayon, parang napakasimple lang ang pumatay ng tao, maglagay ng bomba or magpasabog ng granada.

    Kung sino man kayong mga mamamatay tao.... sana humaba pa ang buhay nyo at lasapin nyo ang masakit na KARMA. mga Demonyo, mga hayup mga walang kwentang nilalang.

    Galit na galit ako sa mga ganitong klaseng tao, sila din ang dahilan kung bakit sinilang akong walang tatay. my father died 2 months before i was born, sa hirap ng buhay nuon, he was driving a taxi na hiniram nya sa uncle ko para kumita ng pera dahil buntis ang ermats ko, pero ayun naholdap sya at ang masama pa, sinaksak pa, pinatay sya December 1977, pinanganak ako ng Feb 1978. Di ko maimagine ang sakit na naramdaman ng mother ko during that time at di ko mapigilang mapaluha pag naiisip ko yung mga ganung klaseng sitwasyon.

    Pero ganun talaga, may mga tao talagang halang ang kaluluwa... sana man lang mabigyan ng hustisya yung mga nagiging biktima nila.

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,822
    #2
    Madaming ganyan talaga...

    Pabayaan mo... kapag pumanaw na sila eh hindi naman nila madadala yang mga yan sa hukay.

  3. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #3
    Bahala na ang Diyos maningil sa kanila....

Bomba sa Tacurong, Sultan Kudarat