Kadikit na local official ng Malacañang, shopping to death ng mga luxury vehicles
Isang kaalyadong local government official ng Malacañang ang sentro ngayon ng usapan sa apat na sulok ng political cafeteria dahil sa sunud-sunod na pagbili ng mga luxury vehicle ngayong taon na umaabot sa kabuuang halaga na P25 milyon.
Bulong kay Mang Teban, si local official ang dapat na maging sentro ngayon ng lifestyle check ng Presidential Anti-Graft Commission upang mapatunayan na wala talagang kinikilingan ang naturang komisyon na nasa ilalim ng Office of the President.
Biro mo naman, si local official ay magkakasunod na bumili ng mga sasakyang Range Rover, Cadillac Escalade at Hummer, na para bang bumibili lamang ng hopia sa Divisoria.
Ang bagong tatlong sasakyan ay bukod pa umano sa mga dati na nitong sasakyan na bagama’t moderno pa ay itinambak na lamang sa garahe.
May mga sariling araw din umano ang paggamit ni local official ng mga sasakyan nito as in iba’t iba bawat araw na parang nagpapalit ng damit.
Ang siste tuloy, pinagtsi-tsismisan na ang pagiging "cool" nito sa pinaglilingkurang teritoryo at hindi rin umano imposible na balang-araw ay gamitin itong basehan sa pagsasampa ng kasong graft laban sa kanya.
Kung personal na pera man ang ginastos ni local official ay walang nakakaalam pero ang ipinagtataka ng marami, ngayon lamang ito nagkabisyo sa pagsa-shopping ng mga mamahaling tsikot nang maupo sa puwesto.
Pintahan n’yo na si local official na malapit nang maging "duty-free" ng mga sasakyan ang bahay, ito ay nagseserbisyo sa rehiyong pinaghaharian ng mga kapatid nating Muslim at may inisyal na A o Governor ARAM n’yo na
Ayan baka kilala nyo. isa sa mga nanlulustay ng mga binabayaran nating taxes.


Reply With Quote
