New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 20 of 52
  1. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,077
    #1
    HINILING kahapon ng Confederation of Government Employees Organizations (COGEO) sa Senado na ipaliwanag nito sa Sambayanan kung bakit siyam sa 2,240 panukalang batas lamang ang naipasa nito sa loob ng dalawang taon at budget na P2.8 bilyon

    Sinabi ng COGEO, na mayroong isang milyong miyembro sa buong bansa, na may karapatan ang taumbayan na malaman kung paano ginagastos ng Senado ang budget nito sapagkat ang naturang salapi ay pinaghirapang buwis ng Sambayanan.

    Ayon kay COGEO council of leaders chair Atty. Jesus L. Santos, ang siyam na bills sa P2.6 billion ay tumatamasa ng halos P300 million kada panukalang batas.

    “Maaaring nasa atin na ang pinakamagastos, kundi man isa sa pinakamagastos, na Senado sa Asya o sa buong mundo. Sa mga problema ng bansa ngayon, hindi kaya ng Sambayanan ang P300 milyon kada panukalang batas na maipapasa,” ayon kay Santos.

    Ang nakakadismaya pa, ayon kay Santos, ay “mas madalas pa nating madinig ang ating mga senador na nagtatawag, o nagsasagawa ng kaliwa’t kanang imbestigasyon kesa sa kanilang trabaho.

    Kung hindi rin lang maipapaliwanag ng maganda ng Senado ang kanilang mala-pagong na trabaho sa kabila ng kanilang napakalaking budget, mas mabuti pa nga siguro ang unicameral na sistema ng gobyerno.

    “Senador na rin mismo, si Sen. Miriam Defensor Santiago, ang naghayag na makakatipid ng P5 bilyon sa loob ng limang taon o P1 bilyon isang taon kung maaabolish ang Senado.

    “Marami ring maipapagawang classroom, murang pabahay o mapapakaing mahihirap at malnourished na bata ang P1 bilyon na iyon,” dagdag pa ni Santos

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,822
    #2
    that's why am for charter change...

    abolish the senate... retain the current lower house.

  3. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    462
    #3
    9 lang sa 2240? Kung hindi bangayan ng bangayan ang mga iyan di dapat nangyari ito. Yung ibang pulitiko walang ginawa kundi ku-montra kahit wala sa ayos. Pabor ako na wala ng senado.

  4. Join Date
    Apr 2005
    Posts
    407
    #4
    sandamakmak na imbestigasyon, senate hearing, inquiry at kung anu-ano pa. mga lintek sila. kulang na lang imbestigahan nila pagsikat ng araw

  5. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    45,927
    #5
    those lawmakers are just there for the perks of being in office. Work is something they do on the side.

  6. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    625
    #6
    hindi ko kayo tatantanan!!!
    Last edited by radiazone; May 30th, 2006 at 05:47 PM.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,433
    #7
    Quote Originally Posted by Boy Torotot
    kulang na lang imbestigahan nila pagsikat ng araw
    naku baka magka idea sila kapag nabasa nila ito
    Signature

  8. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    576
    #8
    kahit anong form of gov't whether presidential or parliamentary... kung corrupt ang mga mamumuno eh wala ring mangyayari...

    dapat sa senado ilipat na lang sa investigation group ng PNP dahil yun naman ang kanilang ginagawa... imbestiga dito imbestiga doon.

    sige pagbigyan na natin sila... parliament form of gov't na tayo pero pag di pa rin nila napaunlad ang bansa natin dapat silang ibitin.

    di naman daw kasi natin kailangan ng madaming batas. sundin lang natin ang sampung utos ng diyos eh palagay ko tatahimik at uunlad na ang ating bayan...

  9. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    3,829
    #9
    Charter change na, para ma abolish na yang senate na yan.

    2.6 Billion para sa 9 na batas! very freaking expensive.

  10. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #10
    yan naman talaga ang the great senatorial dream ... act like working, make the people think like you're doing something for them. if there's such a thing as a free lunch, eto free breakfast and dinner pa - catered or cuisine (like hotel meetings and stuff that we citizens pay for) and still they still need to be respected by us!

  11. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #11
    there might be a reason why the late dictator FM abolished the senate in his years. kasi noon pinatalsik si Marcos, lahat ng lumaban "daw" kay Marcos ang naging Senador ni Cory like Binay, Guingona, Enrile, Osmena, Salonga, Alvarez, Angara, Drilon, and syempre, the "mahirap lang po ako" senator - the one and only Saguisag.

    lahat ito hanggang ngaun bangayan ng bangayan, backstaban ng backstaban. and since 1986 to 2006, that has been their only legacy.
    Marcos must have been a good judge of character to jail most of them during those Martial Law days. he must have foreseen a future with these guys out without a leash ... at iyan na nga ang nangyari.

    dont get me wrong, baka kasi ma-accuse ako dito na pro-Marcos. but some of his ideas really do make sense.

    like this senate abolishment thing and his policy on public transport. kahit na may shortage ng PUV noon during rush hour, he wouldn't budge on increasing the number of PUV's on the road and he maintains na govt. control ang public transport sector. heto ngaun, binigay sa mga private individuals, mga enterprising police personnel, and even ginawang pa investment vehicle ng mga OFWs. what do we have now? chaos on the roads!

  12. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    481
    #12
    Ang pinakamabilis ma aprub, parang kidlat, ang pork barrel nila!

  13. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    4,293
    #13
    Lang hiya talaga mga palamon mga senador natin. Nyeta kayo pera namin sinasayang nyo!!!

  14. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    4,293
    #14
    2.6 billions pesos for doing nothing? pareho lang ninakaw nyo pera ng bayan.

  15. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    57
    #15
    Akala mo sila yong may malasakit sa bayan,,, yon pala eh... Pun#*/#*#ta sila lalo na yong senate president. nakakainit ng ulo

  16. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    5,847
    #16
    Quote Originally Posted by radiazone
    hindi ko kayo tatantanan!!!
    Bitag na lang sila
    Pambihira hindi pa nila ginawang 0 na lang.
    May pera kase sila kaya nila sinasayang..

  17. Join Date
    Dec 2002
    Posts
    1,542
    #17
    that's merely 0.40% efficiency rating.....walang pakinabang...walang konswelo.....

    OT: mas efficient pa mag-FT si Shaq!

  18. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #18
    malamang talaga 9 lang din ang naglagay kaya naipasa

  19. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    3,067
    #19
    some of the senators are trying to sabotage the president...

  20. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    3,299
    #20
    Magtataka pa ba tayo? Sa dinami-dami ng dapat nilang i-review at ipasang batas, mas gusto pa nilang atupagin ang mag-investigate kung bakit ipinalabas dito ang Da Vinci Code.

Page 1 of 3 123 LastLast
Sa 'Pinas lang 'to: 9 lang sa 2,240 panukalang batas ang naipasa sa Senado