New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 3 of 6 FirstFirst 123456 LastLast
Results 21 to 30 of 60
  1. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,500
    #21
    Quote Originally Posted by cast_no_shadow View Post
    Very informative. Thank you for that.

    Ingat na lang bro sa prusisyon.


    Sent from my iPhone using Tapatalk
    Salamat... Sana kahit isa lang hawak sa lubid masaya na ako...

    Dati pito ako apat sa kanan tatlo sa kaliwa habang tumatanda or dumadami ang tao pabawas nang pabawas.

  2. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    12,363
    #22
    Quote Originally Posted by CLAVEL3699 View Post
    Nakupo ang sikip dun lalo...
    Ordinaryong araw kasikip dyan, tapos idadaan pa Nazareno dun? Wow! Just wow!


    Sent from my iPhone using Tapatalk

  3. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    12,363
    #23
    Sa mga "Legit" na namamanata. Ano ba ang standard? Dapat ba buuin yun prusisyon? Or like what you said mahawakan lang yung lubid okay na?

    What do you mean by

    Quote Originally Posted by CLAVEL3699 View Post
    Dati pito ako apat sa kanan tatlo sa kaliwa habang tumatanda or dumadami ang tao pabawas nang pabawas.

    Sent from my iPhone using Tapatalk

  4. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,500
    #24
    ^ hindi naman need buuin ang prusisyon. like me punta siguro ako mga 7am or 8am ako dating dun. Daan muna sa simbahan magdasal tapos aabang na sa dadaanan upang makapasok paghawak sa lubid. Labanan talaga nang katawan sa katawan, wala na kasing bigayan ang nagaganap.

    Ang mga talagang namamanata pagnakahawak kana sa lubid kailangan meron kang isang matulungan makapasok o makahawak din sa lubid sa harapan mo. Parang sardinas yan kailangan maitulak mo nang bahagya ang nasa harap mo para makatulong kang may makapasok sa iyong harapan.

    Ang paghawak sa lubid ay pinapasan eto, nilalagay sa balikat at tutulong kang mahatak eto kahit saglit lang dahil sa sobrang dami nang tao na gusto makahawak o makapasan hindi ka tatagal nang 5mins. usually isang minuto lang pipilitin mo naman makalabas dahil sa sobrang init at walang hangin sa loob malamang himatayin ka. Eto na ang labanan ang kalaban mo naman ang sarili mo.

    Noong bata ako ang panata nang family namin ay pito para sa pitong taon na maayos ang buhay at pitong taon na hindi maayos pero ginagabayan nang poong may kapal.

    Habang tumatagal dahil na rin sa ngayon ay nag iisa na lang ako pumupunta at wala na akong grupo na sinasamahan napakahirap na makapasok kang mag isa ka dahil kayod marino ka na walang tutulong syo. Nung isang taon ang pinakamababa ko nagawa, sa apat na ulit ako gustong makapasok puro sawi ang aking napala. hindi ako makahawak man lang dahil sa sobrang kapal nang tao, ngunit sa aking pagsisikap nakaisa ako at hindi ko na eto naulit muli umuwi ako nang 5pm.

  5. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,500
    #25
    Mula sa aming bahay sa pasig ako ay tutungo doon nang nakatapak at uuwi din akong nakatapak. Commute lang po ako.
    Last edited by CLAVEL3699; January 6th, 2014 at 01:57 PM.

  6. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    12,363
    #26
    ^it really counts pala pag madami kayo pupunta dun, kumbaga group effort para makahawak sa lubid mas madali. Hirap niyan bro, manood lang ng live sa gilid hindi ko ata gagawin what more yung mag attempt pa na sumiksik para makahawak sa lubid.

    Astig.


    Sent from my iPhone using Tapatalk

  7. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,500
    #27
    Iba ang feeling bro basta makahawak ka lang... hindi ako palasimba bro or naniniwala sa bible. Naniniwala ako sa ginagawa nang tao para sa diyos.

    Iba ang tinatawag na sakripisyo. Iba ang feeling na you sacrifice para makahingi nang pasensya sa mga nagawa mong kasalanan. Feeling mo kahit papaano alam mo na napatawad ka.

    Meron naman namamanata matingnan lang habang dumadaan ay ayos na. Malapit na ak dun bro. hehehe. hindi ako namamanata dahil sa rebulto, ako ay namamanata dahil to sacrifice a little at pakita sa KANYA ang aking lubos na pagsisi sa mga nagawa ko at magagawa pa na kasalanan.
    Last edited by CLAVEL3699; January 6th, 2014 at 02:10 PM.

  8. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    764
    #28
    Some deboto are screwed up though...

    "Matulak, masiko, maapakan/aapakan ko na ang ibang tao basta maka-hawak ako ng lubid!"

  9. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,500
    #29
    Quote Originally Posted by Stoner View Post
    Some deboto are screwed up though...

    "Matulak, masiko, maapakan/aapakan ko na ang ibang tao basta maka-hawak ako ng lubid!"
    Aminin man natin ang karamihan o higit na nakakarami ay mga taong walang wala o mga taong nagugutom na humihingi nang milagro mula sa taas.

    Humihingi nang milagro pero walang ginagawa mga tambay, lasenggero at kung ano ano pa. Yan ang masakit kaibigan.

    Sa sobrang dami nang tao ay hindi maiiwasan ang matulak, makasiko ( hindi naman eto sinasadya upang makasakit... yun ang SCREWED UP kung eto ay iyong sinasadya. ) at ang maapakan/aapakan ay isang pagtulong sa kasama upang makaakyat sa karosa at hindi po sa lubid.
    Last edited by CLAVEL3699; January 6th, 2014 at 03:43 PM.

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,095
    #30
    Good luck sa mga pupunta, outbreak na Ang measles.


    Posted via Tsikot Mobile App

    #retzing

Page 3 of 6 FirstFirst 123456 LastLast

Tags for this Thread

Black Nazarene January 09, 2014