New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 10 of 23
  1. Join Date
    May 2007
    Posts
    236
    #1
    mga sir,mam,bro at sis hihingi po sana ako ng opinyon sa inyo eto po ang sitwasyon,me kotse po ako dyan sa pinas na luma na (toyota ae92).pero dito na po kami nakatira ng pamilya ko sa austria.umuuwi kami every year. 5 to 6 weeks per year kami dyan sa atin para bisitahin nanay ko.iniisip ko po kung ibebenta ko ang kotse tapos bibili ako ng medyo bagong modelo pero 2nd hand pa din.o kaya eh ibebenta ko tapos magrerent na lang ako ng kotse every time na umuwi kami.yun pong kotse ko eh walang nagamit,as in nasa grahe lang ng bahay.nanay ko lang at katulong ang nasa bahay.iniistart lang ng kumpare ko na kapitbahay namin.minsan lang nyang inilalabas upang iikot lang saglit.me set up po yung kotse kasi mahilig ako sa sounds.kung magrerent naman ako at magasgasan o mabunggo eh sakit pa ng ulo ko.samantala kung akin eh kahit di ko na muna ipagawa kasi wala na akong time eh ok lang. ano po kaya maganda? thanks in advance . . .

    :morgensmile:

  2. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    6,099
    #2
    sa akin mo na lang iwanan bro, isoli ko sayo pag uuwi ka ng pinas

  3. Join Date
    May 2007
    Posts
    764
    #3
    sir, retain mo na lang yung auto mo. mas magandang may ready kang auto sa bahay pag uwi mo sa pinas kaysa maghahanap ka pa ng re-rentahan. Kung d mo na trip yung ktse mo, pagbili mo na tapos kumuha ka na lng ng modelo.

    Bakit d mo na lang ikuha ng driver ang mother mo, may ktse naman, sayang ang auto pag nastock-up lang.

    pag-isipan mong mabuti bro.

  4. Join Date
    Feb 2007
    Posts
    1,273
    #4
    Kuha ka na lang ng mas bagong modelo. Kase ganun din naman e, iiwan mo rin naman sa inyo, at least mas bago na gagamitin mong oto pag umuuwi kayo.

    Tama si Galant_VR_94, kuha ka na rin ng driver para kay mommy at least may nagagamit sa pasyal pasyal nya and in times of emergency.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,068
    #5
    for me benta mo na lang....hinde naman pala nagagamit eh....

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,872
    #6
    Benta at kumuha ng mas bagong modelo (kahit segunda mano).

    Kelangan mo rin naman talaga ng sasakyan kapag nandito ka. Hindi ka na mag-iisip kung saan kukuha ng car rental bago ka dumating sa Pinas. Mabuti na rin at merong magagamit kung may emergency.

  7. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    2,976
    #7
    Benta mo na lang bro. Kung hindi talaga regular na nagagamit, mas madaling masira at mas mahirap i-maintain.

  8. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    288
    #8
    If your mom does not use the car,better sell it. White elephant na yan. You have maintenance, registration, other incidental expenses and depreciation. Plus me naaabalang kumpare who has to warm it up and drive it around the block. Me possibility pang mahiram yung kotse ng kung sino sino.

    Renting a vehicle as needed would be more practical. Ang daming for rent na mga bagong vans with driver dito sa atin. Sell the car, put the proceeds in a the bank and use it for car rentals everytime you come home for a visit.

  9. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    681
    #9
    bibili na lang usually me gamit yan hindi lang dumadating yung time

  10. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    576
    #10
    rent ka na lang sir... tama si sir landlord..

    dami for rent ngayon na kotse & vans dito... baka masira lang yung kotse mo ng walang gumagamit...

Page 1 of 3 123 LastLast
bibili o rerenta ng kotse