As in many things, a good balance is essential to money. Hindi naman lahat ng pinoy ay waldas. Meron din namang kabaliktaran! Yung tipong saksakan ng yaman pero sa restawran ay tatanggapin ang alok mong magbayad kahit sila ang nang-imbita. O yung sa sobrang kuripot at mukhang pera ay wala ng may gustong makipag-transaksyon dahil alam kagad nila na gusto lang silang isahan.
Totoo, maraming waldas. Marami din namang super kunat. Sana lang tandaan natin na bukod sa pangaraw araw nating pangangailangan ay dapat nating pag-ipunan ang ating pagtanda o pagkakasakit. Pero para magpaka dusa ka ng hindi naman kailangan ay hindi din tama. Hindi mo naman mababaon sa hukay ang pera.