nakahuli ako daga sa bodega. Bwisit na yan may butas ata sa mga screen paano nakapasok eh tagal ng walang daga dito. At yung nahuli ko pa binata yung malapit ng mag full-size.

Kagabi nagcocomputer ako biglang sa peripheral vision ko biglang may gumalaw eh paglingon gulat ako bakit may daga dito. May bisita kasi kami, naiinis ako bakit may corn flakes dito yun ata tinitira. So naisip ko paano ko huhulihin ganyan binatang-daga. Ayun may lumang-luma fly paper. Pinagdikit ko ng scotch tape bale 2x2 ang porma para talaga walang lusot. Nilagay ko sa ilalim kung saan ko nakita tumakas.

Ngayon kakatapos lang biglang may kumalukus. Pinuntahan ko ayun dikit talaga sya at pahiga talaga. Dahan-dahan ko kinuha tapos niwrap-patong ko doon sa isa pang fly paper para walang lusot. Tapos nilagay ko sa plastic bag. Lumabas ako bahay at pinalo ko ng 1.5liter plastic bottle. Nakailang hampas din ako kasi pumapalag-palag pa. Ayun sabay tinapon ko na.

Sarap ng feeling makahuli ng daga. Lalo na matagal wala daga dito. Hanapin ko talaga saan nakalusuot mokong na ito. Meron kasi kapitbahay na may food business eh.