Quote Originally Posted by Pong View Post
Hihihi! Natawa lang ako kagabi pagkatapos ko malipatan at abutan ang show. Fight scene, taga-salba sa mga goons ni Ella V si robin. So, pumorma ng ala-Bruce Lee, ready to Kung Fu. Then he executes this lame-ass hook kick. Dun natapos ang Kung Fu look. The rest of the fight scene, suntukang kanto boy na ang ginawa. As in puro suntukan at nawala na yung "pinaghandaan" niyang martial artist look. And to think he and Angel are endorsing Muay Thai as the style that they trained in. He's doing the martial art a great disservice. What a loser! Can't say it enough but, Angel is the saving grace of the show. OT pero my kid met her at a parlor when she had her hair done. Kinilig kasi katabi niya si Angel mismo. Kinausap naman siya ng wife ko. Surprisingly, walang ere talaga ang babaeng ito. Very down to earth. Oyo, pinakawalan mo pa!

So hindi mo naabutan yung unang fight scene ni Angel? Ginawa na niya kagabi yung nag bending body siya para umiwas sa kalaban hehe. Laki ng improvement ni Angel as compared to her Darna days, mas may umph yung mga blows niya.

Kaya nga lalong mas gusto ko na itong batang ito e, kasi wala akong naririnig na panget sa kanya except nung away nila ng manager niya. Ang hipag ko kasi nagtatrabaho sa teatro, so marami siyang kilalang mga directors at pinaka importante, kung gusto mo talaga malaman ang ugali ng artista, ang dapat na mga pagtatanungan po, yung mga PAs, or kahit sinong mababa ang katungkulan sa show, kasi sila yung usually natatarayan ng mga artista, pag mataas na ang katungkulan pinaplastic na lang. Sabi ng mga PAs talagang mabait na bata iyan. Napatunayan din niya kasi nung Majika days, pumunta si Angel sa kanila, gabi na, si Angel syempre fresh na fresh, tapos silang lahat bilasa na kasi maghapon na silang nasa office, pero sige lang pa picture lang si Angel kasama nila, yung isang masuwerteng bata, anak ng empleyado naka kiss pa. Wala daw talagang ere nakikipag biruan pa sa kanila.