di ako takot sa gagamba pinag kaka perahan ko pa yan noong elem ako binebenta namin sa mga rich kids na hindi marunong manghuli ng gagamba, 50 pesos isang posporo hehehe yung bahay ng posporo lalagyan mo ng dahin ng coconut then pag kakasyahin mga 10 gagamba. depende sa klase.. may gagambang hapon ay yung magaling na laging panalo sa pustahan yung gagambang kulay pula.. Sa gabi kami kung manghuli nyan iilawan mo lang sa damuhan ok na..
Pang training namin yung gagambang bahay na super duwag segundo lang nasaputan na agad ng gagambang botjog hehehe those were the days...
Fovorite ko pag tripan yung gagambang Exis na sobrang laki pero di naman pwedeng pang laban.. kukunin ko lang ang sapot, babatakin mo sa may pwet ang sapot hagang sa maubos.
ang di ko pa nahawakan gagamba yung tarantula... Camel spider pinag ti tripan ko sa disyerto dati sa loob ng planta hinahabol ko ng bike sobrang bilis. hirap sagasaan
Last edited by NightRock; September 27th, 2014 at 07:42 PM.