I have nothing against him naman. I was just shocked when i saw the frontpage of the philstar today...it says that his decision to run as president in 2004 is confirmed..and to think he and former president joseph estrada are good buddies and they are both actors. hindi kaya siya kinilabutan na baka mangyari rin sa kanya yung nangyari kay erap?
most likely magrerely din siya sa salita ng mga presidential adviser nya if ever....and kung hindi na naman siya magustuhan ng mga tao..ano, EDSA 5? god help the philippines:speechles
Sabi nga ni Dolphy, "Madaling tumakbo, pero paano kung manalo?". If ever he confirms his decision finally to run, baka maluklok pa siya since he is well loved by the "masa". Oh well.
wag na lang iboto pag ayaw natin...mahirap kasi yung we discourage people not to vote for him kasi kesyo ganyan, ganito sya...malamang yun ang tumulak sa kanya.
ayaw natin syang tumakbo dahil alam natin wala syang experience sa politics at hindi nya kaya maging president. meron pang naglabasang letters thru email na akala mo kung sinong magaling at sinasabihan si fpj na wag na tumakbo...
bakit, sino ba sya para pakinggan ang payo nya? kahit naman ako di ako magpapadikta kahit kanino.
on my point of view parang kwenekwestyon ang kakayahan nya.
talagang lalong tatakbo yun to prove to us na di sya ganun.
may nakakwentuhan nga ako iboboto nya daw si fpj, tanong ko baket eh wala pa syang experience sa politics tapos president agad...ang sagot lang sa akin "bakit, yung mga matagal na nakaupo dyan sa pulitika...may nangyari ba? lalo pa nga tayong lumubog eh!" di na ko nakakibo kasi may point din sya.
kaya tahimik na lang ako dyan kasi di ko alam kung sino mga kakampi ko.
yung kakwentohan ko pala kumbaga respetado, may pinag aralan...
natatawa ako sa mga sipsip na kadikit ni fpj..pinagpipilitan nila na may karisma siya sa mga tao..kesyo pakikinggan daw siya ng mga tao..dahil ina-idol siya..
sana manalo siya at pagsabihan niya yung mga kurakot, rapist, druglord na tigilan na nila yung ginagawa nila at magbagong buhay na sila....pakinggan kaya siya??
nung tumakbo si erap...sabi ko ..kung si erap at Manoling Morato lang ang pagpipilian...Kay Morato na lang ako...kahit half/half si manoling...atleast may utak!
kaya kung si fpj or ping?...kay ping na ako. pero sa malamang di rin ako boboto...
ang tagal niyang magdecide na tumakbo!!! e pano pa kung nanalo siya?!!?!? wa-wenta talaga..hindi gumagamit ng sariling utak!!!! utak ng iba sinusunod niya!
if it will be gloria-noli vs. FPJ-legarda, ang mananalo ay FPJ as president and Noli as vice-president! aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaugh hello australia!!!!!!! (si glennster hello canada daw hehe)
nakakabwiset talaga itong si noli... his candidacy will depend on the Lopezes??? what??? he's practically admitted, then, that he is putting the fate of the country in the hands of ABS-CBN. how utterly pathetic. let us remind ourselves that the Lopezes own Meralco and Maynilad, among other poorly-performing or troubled assets. the Lopezes would stand to GAIN A LOT if Noli somehow had access to power (can you imagine the corruption and shady deals that would likely emerge?). if Noli would win (and he most likely will), it would be ABS-CBN which would be sworn in as vice-president, not Noli.
Isa lang masasabi ko... GOD HELP US!!!! HELP US SINKING COUNTRY!!! hehehe!! ewan ko ba... kanya-kanya na dito sa pilipinas... kelan kaya magbabago ang ating inang bayan?
kaya ako...kahit 3 years na ako pwede bumoto, d tlaga ako bumoboto. pinapagod mo lang sarili mo.. ala ka naman matinong pagpipilian. halos pareparehas naman sila lahat eh..siguro kung si joker arroyo ang tumakbo boboto na ako.
there's no point in discussing this naman, kasi ala naman choices, panu na nga kung FPJ and Noli manalo... haayyy kahit ako gusto ko na umalis.
sa province di yan masyadong nararamdaman ang epekto ng politika, d tulad sa manila. kanya kanya na nga talaga...wala na tumutulong sa bansa.
pero tingnan nyo si terminator... hehehe filipinos ba bumoto dun?
yan na nga ang magiging campaign pitch ni noli at FPJ hehehe... "O, e kung walang kakayahan ang mga movie/TV stars, bakit nagtiwala yung mga taga-California kay Schwarzenegger?"
ohmiged...
ayus, kung FPJ-Noli na nga ang manalo, malamang si Schwarzenegger ang magiging unang state visitor natin hahahaha :D