Medyo nakakatawa tong tanong ko dahil kyuryus lang ako na English version ba ang Initial D na pinapanood ninyo??? Dati ay pinapanood ko yang Initial D at paminsan-minsan ay pinapanood ko rin yung mga reruns sa hating gabi sa TV pero Japanese. Dito nga pala ako sa Japan nakatira at matagal na akong hindi nakakapasyal diyan kaya medyo pasensiya na sa katangahan ko.
About 13 years ago ay sumasali din ako sa drift racing dito sa Japan pero mainly motorcycles pero paminsan-minsan ay kotse ni Mrs and ginagamit ko. Paminsan-minsan ay lumalabas pa rin kami ng mga tropa para mag drift pero pag may snow lang pero bihira nang magyari ito dahil matanda na. Meroon na rin bang drift racing ngayon diyan sa Pinas?