Quote Originally Posted by funkngruvn View Post
ako nakasagasa na ng bata mga 2002 pa.. bad trip nga e aksidente talaga. paakyat ako sa camp7 along kennon road mga 6 am so naturaly nakabwelo ka bihira pa kasi sasakyan ng ganun kaaga, e yung sinusundan ko na L300 Fb delivery van ng mister donut nagpasabit ng mga bata na nagtitinda ng pandesal, natural limited ang kakapitan kasi L300 FB, e nahulog ba naman yung isang bata tapos yung FB e tuloy tuloy lang, tumakbo buti nakuha ko plate number.. nung nahulog yung bata siyempre ako kasunod, ako nakasagasa, pero buti medyo 5-10 mteres ang layo ko sa FB kaya nakapreno pa ko, d masyado umilalim yung bata. tinakbo ko sa hospital buti konti sugat lang natamo nya. hinanap ko yung isa driver at naghati naman kami sa gastos.
cguro mga 2 nights din ako hindi nakatulog nun.. bata pa ko nun e first year college.. tagal pa nirelease yung license ko kasi dami pa clearance, etc. etc..
mahirap talaga pag tao nabangga mo hanggat umaaray kaylangan mo ipagamot, sabi nga ng erpats ko sakin mabangga ko na daw lahat poste, bakod, ibang sasakyan (na lahat naman sana ng nabangit ko ay hindi mangyari) wag ko lang mabanga ay tao kasi hindi na nawewelding ang tao hindi tulad ng bakal. kaya umiiwas talaga ako lalo na sa mga nagbibisikleta sa gilid ng kalsada kasi baka matumba tapos mabangga ko. buti naman at hindi ko pa naranasan ang makabanga ng tao sana wag naman. kaya para sa lahat ng tsikoters ingat tayo sa pagmamaneho.