New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 2 of 5 FirstFirst 12345 LastLast
Results 11 to 20 of 50
  1. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    565
    #11
    noong bata pa ko, naranasan ko ang magkalad para pumasok sa eskwela, kailangan labhan agad ang damit uniporme para maisuot kinabukasan, nakatira kami sa isang munting dampa na nakatirik sa lupang pag aari ng ibang tao, dahil sa kami ay iskwater, inde namin alam kung kami ay bigla na lang paaalisin ng may ari ng lupa, walang permanenteng trabaho ang mga magulang ko, masaya na kaming kumakain na pinag sasaluhan ang ginisang sardinas o munggo na nilagyan ng maraming sabawa para magkasya sa amin...mag ulam ng talbos kamote/kangkong sawsawan suka at bagoong..para sa iba masarap yun, pero try nyong gawin ito araw araw at magsasawa kayo...at marami pang iba..

    for me personally, children should grow up in secure and assured environment, they should be sent to school ng merong laman ang tiyan at walang inaalalang mga bagay tungkol sa kabuhayan. they should well provided with decent clothings and a roof on their head.

    my so called "pinagdaanang kahirapan" maybe miniscule compared to others, but i made it a point na inde daranasan ng mga anak ang naranasan ko..but i will make sure they will know about it para maging aware din sila sa leksyon ng buhay mahirap...

    may mga kilala rin ako sa buhay na grabe ang kahirapan sa buhay noon, pero dahil sa pagsusumikap ay magaganda na rin ang buhay nila ngayon...

  2. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    226
    #12
    kahirapan has many faces. iba-iba rin ang degrees ng kahirapan. kung ang isang tao o pamilya ay walang maibili ng makakain, ito ay isang mukha ng kahirapan. kung walang maibayad sa mga utilities, ito rin ay masasabing hirap sa buhay...hindi makabili ng gamot kung nagkakasakit, maituturing din ito kahirapan. marahil ang pag-igib ng tubig sa di kalayuang lugar para magamit sa pang araw-araw ay maituturing din hirap sa buhay...
    Last edited by russpogi; November 12th, 2007 at 12:53 AM. Reason: removed boldface and italics

  3. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    165
    #13
    ano nga ba ang basehan?
    sa aking naranasan, teka muna puede bang magkuento ng maikli, pramis maikli lang talaga..
    heto simulan ko na ha! pamilya ng lolo ko medyo okay sila noong araw na bata pa ako. pero kami na mismong pamilya ng ama ko nakaranas ng matinding hirap, dyipni drayber ang ama ko, kaya pag may labas may kain, pag walang labas tiis na lang. mahirap, in a sense na kita mo ang paligid mo kumakain ng ayos at sila ay nasa ayos, kami naman mismo tiis na tiis na pagsaluhan ang ano mang meron sa hapag, at pakiramdam ko etsepuera kami sa side ng ama ko.
    kailangan kong kumayod para magkaroon ng pambaon sa skul, anong klaseng trabaho... maglinis ng pagawaan - shop (woodcraft industry) ng lolo ko kasama na doon ang pagtatapon ng basura (oo na basurero nga in short). at kapag hindi nagustuhan ng lola ko ang pagkakalinis ng pagawaan mumurahin pa kami hanggang mabuntal ng ama ko. nasara ang gawaan ng lolo ko kaya naman namasukan akong bilang mag-uukit (woodcarver) sa ibang shop sa lugar namin. (are u guys familiar about the barrel man?) iyon ang inuukit ko noong araw. then nagkaroon uli ng pagawaan - shop (woodcraft industry) ang lolo ko at doon uli ako nagtrabaho. gigising ako ng alas 4 ng umaga at mag-uukit hanggang 11:30am, at 12:30 papasok naman sa eskul hanggang gabi na iyon 8:00 or 9:00pm. hanggang sa makatapos ako ng hi-school.

    those days maraming araw na tinolang manok ang ulam namin, kaya lang laging nakakalipad ang manok at papaya na lang ang natitira.

    lagi naming ulam beefsteak na tagalog kaya lang, laging nakakatakas ang baka, kaya patatas na lang ang naiiwan.

    congee! sanay ako dyan! kasi masipag maglugaw ang ina ko dahil malimit isang gatang na lang ang natira sa pala bigasan at para magkasya sa amin ilulugaw na lang.

    tuyo bihira kami mag ulam, pero bagoong at alamang halos araw araw kasi mas mura iyon kaysa sa tuyo.

    may time din na sumasala kami sa oras ng pagkain, kaya lang walang maniwala na hindi kami sumasala sa pagkain kasi hindi napuputol ang usok sa chimney ng kalan namin. pugon ang style kasi ng kalan namin at libre kami sa panggatong kaya kahit walang nakasalang na niluluto tuloy ang gatong para hindi mahalata ng kapit bahay na wala na kaming iluluto. dahil dyahe talaga!
    akala ng marami sa lugar namin tulad kami ng lolo ko na may kaya.

    nagsikap lang talaga ako para may marating! nakatapos ako ng course ko na working student din, sa koleheyo, bibili na lang ako ng pisong pandesal at hihingi ng sabaw ng mami, katalo na iyon halos ganuon araw araw.

    kapag talagang kapos sa pamasahe, okay lang lagi akong libre mula sa alabang , kasi sasakay ako sa bus na galing quezon o kaya batangas, pag sakay ko tutulog na agad ako at pag nakita ako ng kunduktor akala galing akong quezon o batangas kaya iisipin niya bayad na ako. pag pauwi na, ganito naman sasakay ako sa mini bus at tatabi ako driver o kaya sa likod ng driver at bago maningil ang kunduktor kakausapin ko ang driver na akala mo kakilala ko talaga (kunteng kuento ng mga ka driver-ran) akala tuloy ng kunduktor frend ko si driver iyon tuloy di na ko sisingilin. (style ko bulok noh! -sori po mga driver at konduktor na nadaya ko).

    ganuon pa man i'm still grateful to our God almighty at ginabayan niya ako sa bawat oras ng buhay ko, lalong higit sa mga oras ng aking kahirapan...

    ang kahirapan ang nag drive sa akin para magsumikap.

    sa aking karanasan tingin ko kakapusan ng material na bagay, isa pa emotionally naghirap ako kasi family ng lolo ko meron at kami lang talaga ang wala, at feeling ko noon etsepuera kami, kaya hindi makalapit sa kanila, para humingi ng tulong.

    "so in short if you are deprived materially, financially and emotionally."

    just my 2 cents in sharing....

    i don't want to hear this from my kapatid " si kuya hindi ko matandaan na nakita kong naglaro o nakipaglaro sa amin noong mga bata pa kami puro trabaho na lang"

    kaya ikaw john magsumikap ka!!!!

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,790
    #14
    I would say mahirap ka if you have barely enough to satisfy your NEEDS (so that would be food, shelter and clothing).

    Merun ding iba na WANTS ang hindi masatisfy and they would term themselves mahirap na...

    Either way, psychological impact of both situation would probably be the same sa outlook nung tao.

  5. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #15
    Kami ng brother ko noon, nakikinood lang kami ng TV sa kapitbahay namin. Pinakamasakit yung itaboy ka ng katulong. "Hoyyyyy! Umuwi na kayo! Matutulog na kami!"

    Those were the days..........

  6. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    1,815
    #16
    Quote Originally Posted by chua_riwap View Post
    Pero napansin ko........ Sa dami ng bumasa sa thread mo Bro Vtec, kami lang ata ni Ooba99 ang nanggaling sa kahirapan.
    he he he he he he, kasuswerte ng mga pinanganak with silver spoon.


    yan ang problema sa mga tao.pag yong tao alam mo na talagang cant afford, iba na tingin kesyo di na katiwa tiwala ang pagkatao etc etc which is so degrading talaga sa part ng mahirap.just take a look sa case ni bro chua , since ala sila tv nong time nayon, ganon ganon nalang kung itaboy.so wala kanang magagawa padon kundi magself pity nalang and mangarap na sana makaahon sa kahirapan.though sometimes me drive kang umasenso kung talagang wala kang ibubuga ang kakahinatnan mo pobre kapadin.

  7. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    1,815
    #17
    Quote Originally Posted by D_rock_777 View Post
    ano nga ba ang basehan?



    may time din na sumasala kami sa oras ng pagkain, kaya lang walang maniwala na hindi kami sumasala sa pagkain kasi hindi napuputol ang usok sa chimney ng kalan namin.
    wow, yan ang masasabing talagang naghirap.yan din ang pinakamatinding dagok sa ama at ina ng tahanan, ang makitang dilat sa gutom ang mga anak.

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    232
    #18
    tamang sabihin na nagdadaan ka sa hirap pag di mo meet basic needs like food clothing and shelter, pero sana naman wag namang gamiting reason ang pagiging mahirap para gumawa ng katarantaduhan sa buhay.

    kaming magkakapatid nagkahiwahiwalay at kani kaninong kamaganak nakituloy dahil di na kami kayang buhayin ng mga magulang namin. after high school tambay ako ng 1 taon dahil wala ako pera para ituloy pagaaral ko. Mabuti na lang at naging scholar ako at nakatapos din sa pagaaral. Dami kong kasabayan noon na scholar tuwing tanghali wala kami makain/baon kaya gawa namin tulog na lang o kaya papito pito hehehe. those were the days..

  9. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #19
    Calling Channels 2 & 7 producers........

    Pwede na mga kwento sa Magpakailanman or Maalaala Mo Kaya.

  10. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    2,421
    #20
    my dad used to work for the public highways, so kung saan sya napadpad, doon kami. we lived in some of the most remote and impoverished jungles of northern luzon, and we moved often. i remember at one point, i was speaking 5 or 6 different dialects of the area. life was hard...i remember my mom cooking lugaw with salt just to conserve the little rice we had. i remember me almost dying dahil sa malaria and the lack of medicine for it. i remember lots of killings between the military and the NPA. i remember my mom worried to death cos my dad was at the mountains amongst the headhunting ilongots. i still wonder how i got out of that situation generally sane. yup, life was harst, but it made me appreciate life even more. no matter how hard it gets now, it'll never be as hard as then. it's kinda funny, whenever i tell my friends that i lived a "national geographic" life, it's hard for them to believe me.

Page 2 of 5 FirstFirst 12345 LastLast
Ano ba basehan para masabi mo na nagdaan ka din sa kahirapan?