New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 12 of 20 FirstFirst ... 28910111213141516 ... LastLast
Results 111 to 120 of 191
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,147
    #111
    HG,

    oopps, dela cruz pala

  2. Join Date
    Aug 2003
    Posts
    3,178
    #112
    Originally posted by yebo
    pakain nyo yang hiya nyo sa anak nyo. buti sila kahit hiya may kakanin. mga anak ni angelo de la cruz walang kakanin pag namatay ang tatay nila.

    what national pride are you talking about? yung patuloy na pagsipsip sa utin ni george bush? o yung pag-aruga sa sariling mamamayan? your choice.
    try to get past that anti american bs you're spewing out and tell me honestly that it is right to negotiate and give in to the demands of terrorists?

    dont get me wrong, im not pro american; i also sympathize and understand how his family feels. pero mali lang talaga yung decision ng government. puro pa-pogi lang sila.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,829
    #113
    remember, we're on a HUMANITARIAN MISSION in Iraq. dapat humanitarian rin tayo sa kababayan natin. Filipino muna bago Iraqi o Kano.

    remember also our WWII veterans na pinabayaan lang ng USA matapos maglingkod sa kanila nuon. malamang after this war, wala rin tayong mapapala sa mga ito. nagcontribute pa ang gov't. natin ng $11M sa war na ito na dapat sa atin na lang ginasta.

    peace tayo dito.

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,829
    #114
    remember, we're on a HUMANITARIAN MISSION in Iraq. dapat humanitarian rin tayo sa kababayan natin. Filipino muna bago Iraqi o Kano.

    remember also our WWII veterans na pinabayaan lang ng USA matapos maglingkod sa kanila nuon. malamang after this war, wala rin tayong mapapala sa mga ito. nagcontribute pa ang gov't. natin ng $11M sa war na ito na dapat sa atin na lang ginasta.

    peace tayo dito.

  5. Join Date
    Feb 2004
    Posts
    2,421
    #115
    Originally posted by ross
    yes oo mga sir inatras na raw po ni GMA ang troops at iyan po ang nakita/ narinig sa TV news sa US kangina.Nagulat nga ako, at sabi nga ng US news caster sa review kay GMA kahit na maliit na bansa ang pnas pero no.1 nga daw ang bansa against terrorist at bilib sila, then suddenly inatras ni GMA ang troops dahil lang sa isang pinoy troop na nahostage? ano ba yan?

    Pulis nga nag papakamatay makakotong lang sa kalye tapos Phil. Troop sa Iraq iaatras para hwag nang may ma hostage pa ulit?................ano nanaman ba iyang ginagawa ni GMA?
    pare malapit na kasi ang State of the Nation Address, july 28 so siguro pinag iingatan talga ni GMA ang mga decision niya and besides almost na mga pinoy want GMA to pull out the filipino troops sa IRAQ.

  6. Join Date
    Oct 2003
    Posts
    734
    #116
    di rin ako anti american in fact i want to go to america pero kahit minsan naman ipakita ng mga pilipino na may bayag talaga tayo---kahit sa pagkakataon lang ito. in this situation, pleasing america should be the last of our concerns...

    tama yun kasabihan nga "if u want to get the job done get a woman." saludo ako sayo GMA (in this situation pero ayaw parin kita) that is the balls im looking for. marami ng kagalit ang america hawag na tayo sumama sa kanila---marami kasi silang sinagasaan..

    parang romeo and juliet yan eh---galit ang mundo sa kanila pero ano ba mas importante sasabihin ng ibang tao o pag ibig nila

  7. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    748
    #117
    minsan naitatatanong ko sa sarili ko...kung kapamilya ko ang nasa katatayuan ni Angelo magiging pareho pa rin kaya ang stand ko???

    madaling sabihin kasi ndi natin directly kapamilya si Mr. Dela Cruz...

    but deep inside me...i know we need to give up something for the love of our country...

    pakibasa na lang itong makabagbag damdaming pagbatikos sa kabayanang Pilipino, from Reuters:

    Philippines Capitulation in Iraq Widely Questioned:

    http://story.news.yahoo.com/news?tmp...ppines_asia_dc

    Ang mga kulugo pinagpipiyestahan ang bayan ng mga magigiting!

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,410
    #118
    habang panahon na lang ba tayo magbabayad ng utang na loob sa america?

    ang france malaki din utang na loob nila sa US, bakit di kasama sa gyera sa iraq? may nagsasabi ba sa kanila na hindi sila marunong tumanaw ng utang na loob?

    ang spain, nag-widraw na sa coalition pagkatapos ng bombing sa madrid. nabawasan ba ang pride ng spain? hindi. inisip lang nila ang sarili nilang bayan, hindi si uncle sam!

    ang mahirap sa ibang pilipino panay na lang ang tanaw ng utang na loob kay uncle sam. di naman lahat ng panahon ay pwede yan. itong kaso ni de la cruz pwede mo ba sabihin na ok lang sige pugutan na ng ulo at di tayo pwede mag-back out sa US at kung di sa kanila hapon ang amo natin ngayon? labo naman yata.

    nilalahat nyo kasi. OK sige, utang na loob kung utang na loob. pero minsan-minsan pagbigyan naman natin ang sarili natin. kala nyo pag umangal na ang pinoy sa america e bastos na. di ba pwede na bago unahin ng gobyerno ang foreign relations eh sariling bayan muna ang isipin?

    oo di ako pro-US, pero di rin naman ako anti-US. I AM NOT ANTI-AMERICAN. pro-pilipinas lang ako. maliit na bansa, di nga kayang pakainin sariling bayan e. so di dapat nakikialam ang pilipinas sa problema na iba ang may gawa. lalo na sa isang gyera na immoral at ang dahilan ay kathang isip lang.

    nasan na nga ba yung mga WMD na sinasabi ng presidente george bush ninyo?

    saka anong foreign aid ang mawawala? tagal ng wala yan nung panahon ni george bush senior nung pinaalis ang US bases sa pilipinas at nung panahon ni clinton. mas umunlad pa nga ang plilipinas nuon dahil mas malaki ang kinikita ng subic at clark ngayon kesa nuong may bases pa. ngayong todo-sipsip sa utin ni george bush junior si gma, oo nabigyan ulit ng aid. pero gaano ba yun, ganun na lang ba ang halaga ng pilipino?


    posted by roninblade:"try to get past that anti american bs you're spewing out..."

    i repeat, I AM NOT ANTI-AMERICAN. why is it that anything said that is not pro-US is considered anti-american. para kang si bush, either people are with you or against you? that is a very simplistic view of the world.

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    7,206
    #119
    Originally posted by yebo


    ngayong todo-sipsip sa utin ni george bush junior si gma
    scandal ba to? meron na bang dvd copy to sa quiapo? nyehehe

    peace..pinapalamig ko lang ang umiinit na thread na to..:D

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    103
    #120
    Is the life of one filipino worth the lives of the filipino people? one life worth the lives of the group? Two philosophies at a head-to-head.

    My stand? since open forum naman, i believe it was right to pull-out even for the simple reason to save the life of Angelo. About the future of our country, we can only assume what MAY happen, so its just uncertainty, and theory that the terrorists would become...or we would lose foreign etc, etc,. but we never really know. I just want to save Angelo's life, just as i would save any other life in danger, no matter how impossible it may be.
    "the filipino is worth dying for" ika nga, thinking about this now I'd hope that if the opportunity arises i would be able to do it not only for a fellow filipino, but also for a fellow man.
    just my 2 cents, peace tayo!

Page 12 of 20 FirstFirst ... 28910111213141516 ... LastLast
Angelo dela Cruz (Merged threads)