Naiinis na po ako sa inaasal ng katulong namin at talagang nagsisimula na siyang maging tinik sa aking lalamunan. Nakikipaglandian ba naman dun sa gwardya na nagbabantay sa kalye namin. At ang masama pa dun yung guard pa mismo ang promotor. Hindi ko tuloy maiwasan maisip na baka nagbabalatkayo lang ang gwardyang ito at ginagamit lang itong katulong kong engot para makahanap ng tiyempo at makapagnakaw samin. Pasensya na sa pagiging judgemental ko pero may pagkamukhang masamang loob din itong gwardya dito samin. Hindi ko alam kung paranoid lang ako pero may mga pagkakataon nahuhuli ko siyang pasilip-silip sa pintuan at screen namin mula dun sa kanyang guard house lalo na kapag gabi. I hope I'm wrong talaga.
Ito namang katulong ko, malandi na nga sinungaling pa. Hindi raw niya kilala yung guard kapag tinatanong ko siya eh huling huling ko sa akto naguusap yung dalawa. Naisip ko tuloy sa katagalan na kapag tuluyan ng nagtiwala katulong ko sa gwardyang ito ay baka papasukin na niya sa bahay at dun na magsimula ang kinatatakutan ko. Naiiwan pa naman ang mga anak ko at baka kung ano pa mangyari sa kanila.
Gustong-gusto ko na sibakin e2ng katulong namin kaso ang problema ay wala pa akong mahanap na matinong kapalit. Kung paaalisin ko siya ngayon, mawawalan ng magbabantay sa bahay at mag-aalaga sa mga anak ko habang wala ako. Ano ba ang dapat gawin ko? Baka naman kasi nagkakamali lang ako at kapag isinumbong ko naman itong guard na ito sa association eh baka ako pa malagay sa alanganin.