New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 5 12345 LastLast
Results 1 to 10 of 46
  1. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    12
    #1
    Naiinis na po ako sa inaasal ng katulong namin at talagang nagsisimula na siyang maging tinik sa aking lalamunan. Nakikipaglandian ba naman dun sa gwardya na nagbabantay sa kalye namin. At ang masama pa dun yung guard pa mismo ang promotor. Hindi ko tuloy maiwasan maisip na baka nagbabalatkayo lang ang gwardyang ito at ginagamit lang itong katulong kong engot para makahanap ng tiyempo at makapagnakaw samin. Pasensya na sa pagiging judgemental ko pero may pagkamukhang masamang loob din itong gwardya dito samin. Hindi ko alam kung paranoid lang ako pero may mga pagkakataon nahuhuli ko siyang pasilip-silip sa pintuan at screen namin mula dun sa kanyang guard house lalo na kapag gabi. I hope I'm wrong talaga.
    Ito namang katulong ko, malandi na nga sinungaling pa. Hindi raw niya kilala yung guard kapag tinatanong ko siya eh huling huling ko sa akto naguusap yung dalawa. Naisip ko tuloy sa katagalan na kapag tuluyan ng nagtiwala katulong ko sa gwardyang ito ay baka papasukin na niya sa bahay at dun na magsimula ang kinatatakutan ko. Naiiwan pa naman ang mga anak ko at baka kung ano pa mangyari sa kanila.
    Gustong-gusto ko na sibakin e2ng katulong namin kaso ang problema ay wala pa akong mahanap na matinong kapalit. Kung paaalisin ko siya ngayon, mawawalan ng magbabantay sa bahay at mag-aalaga sa mga anak ko habang wala ako. Ano ba ang dapat gawin ko? Baka naman kasi nagkakamali lang ako at kapag isinumbong ko naman itong guard na ito sa association eh baka ako pa malagay sa alanganin.

  2. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #2
    Sisantehin mo na katulong mo, Nyx. Para palang pusang naglalandi eh.

    Tsaka, request mo, ilipat sa ibang post yung guard sa association. Pwede yan.

  3. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    995
    #3
    Tama ka wala kang basis para ireklamo yung gwardiya... aba'y yung longkatuts mo ang swetuhin mo.

    ang tanong:

    Maliliit pa ba mga anak mo?
    2 ba kayong mag-asawa ang nagta-trabaho?

    If both answers are yes mahirap nga.

    Ang isang maaring mangyari diyan ay pag lumayas yung katulong mo at bitbit lahat ng mahalagang bagay sa bahay mo... kaya siguraduhin na lagign naka secure ang mga pintuan ng kwarto at yung mgah alahas ay nakatago sa safe.

    Mahirap talaga ngayon maghanap na ayos na kasambahay.

  4. Join Date
    May 2010
    Posts
    78
    #4
    Ang mahirap dyan baka kung wala ka dyan sa inyo pinapapasok nya pa ito sa bahay nyo :diablo:

    Kung ako sa iyo kausapin mo ng maayos ang longkantuts mo, ipaliwanag mo sa kanya lahat ng ayaw mo..... (do's and don't)

    Kausapin mo rin mga anak mo na dapat huwag sila magtiwala sa hindi nila kilala at magsumbong sila sayo kung pinapapasok ng longkantuts mo ang BF nya... (kung may sekwet relasyon talaga sila)

    Obserbahan mo lang at kung totoo ang hinala mo maghanap kana ng bagong longkantuts..... (yung mukhang mangkukulam para walang magkagusto)

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,096
    #5
    nobody is indispensable. palayasin mo na before it's too late.

  6. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    12
    #6
    Quote Originally Posted by chua_riwap View Post
    Sisantehin mo na katulong mo, Nyx. Para palang pusang naglalandi eh.

    Tsaka, request mo, ilipat sa ibang post yung guard sa association. Pwede yan.
    Madalis kasi duty ng guard na ito sa gabi so natatakot talaga ako. Baka langmay iba pang kasamahan yan at naghihintay nalang ng 'go' signal sa kanya at sa madaling araw sumalakay. Ang dami kasi masasamang loob dito samin at marami na rin nabiktima. Secretly ipapaalam ko ito sa president ng association namin para madestino siya sa ibang lugar at magkaroon na ko ng katahimikan.

    Quote Originally Posted by shakatak70 View Post
    Tama ka wala kang basis para ireklamo yung gwardiya... aba'y yung longkatuts mo ang swetuhin mo.

    ang tanong:

    Maliliit pa ba mga anak mo?
    2 ba kayong mag-asawa ang nagta-trabaho?

    If both answers are yes mahirap nga.

    Ang isang maaring mangyari diyan ay pag lumayas yung katulong mo at bitbit lahat ng mahalagang bagay sa bahay mo... kaya siguraduhin na lagign naka secure ang mga pintuan ng kwarto at yung mgah alahas ay nakatago sa safe.

    Mahirap talaga ngayon maghanap na ayos na kasambahay.
    Ang husband ko po ay nagtatrabaho sa ibang bansa. Ako po minsan umaalis ng bahay para gawin ang obligasyon ko bilang housewife (maggrocery, settle bills etc.). Maliliit pa lang po ang dalawa kong anak, pareho pang babae. So wala talagang naiiwang lalake sa bahay namin kaya ganito nalang ang pag-aalala ko.

  7. Join Date
    Aug 2009
    Posts
    1,956
    #7
    kung may trabaho ka, mag magleave ka ng ilang araw boss para maghanap ng bago...pero mas maganda alisin mo na, before ka maghanap....tapos pagwala kang mahanap at tapos na ang leave mo pabantayan mo muna sa mga kamag anak mo yung mga anak mo...

    Ain't have any problem sa kasambahay 28 years na sa amin, anak na ng utol ko ang binantayan ngayon...

  8. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    995
    #8
    Quote Originally Posted by manoy77 View Post
    Ang mahirap dyan baka kung wala ka dyan sa inyo pinapapasok nya pa ito sa bahay nyo :diablo:

    Kung ako sa iyo kausapin mo ng maayos ang longkantuts mo, ipaliwanag mo sa kanya lahat ng ayaw mo..... (do's and don't)

    Kausapin mo rin mga anak mo na dapat huwag sila magtiwala sa hindi nila kilala at magsumbong sila sayo kung pinapapasok ng longkantuts mo ang BF nya... (kung may sekwet relasyon talaga sila)

    Obserbahan mo lang at kung totoo ang hinala mo maghanap kana ng bagong longkantuts..... (yung mukhang mangkukulam para walang magkagusto)
    ayos :naughty2: kaso manoy baka bumlik yung kulam... at yung lungkatots ang makulam at lumubo ang tiyan...:nerves:

  9. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    12
    #9
    Quote Originally Posted by chrismarte View Post
    kung may trabaho ka, mag magleave ka ng ilang araw boss para maghanap ng bago...pero mas maganda alisin mo na, before ka maghanap....tapos pagwala kang mahanap at tapos na ang leave mo pabantayan mo muna sa mga kamag anak mo yung mga anak mo...

    Ain't have any problem sa kasambahay 28 years na sa amin, anak na ng utol ko ang binantayan ngayon...
    Kung may permanenteng mapagiiwan lang talaga, kahit siguro hindi na ko kumuha ng kapalit.
    Quote Originally Posted by manoy77 View Post
    Ang mahirap dyan baka kung wala ka dyan sa inyo pinapapasok nya pa ito sa bahay nyo :diablo:

    Kung ako sa iyo kausapin mo ng maayos ang longkantuts mo, ipaliwanag mo sa kanya lahat ng ayaw mo..... (do's and don't)

    Kausapin mo rin mga anak mo na dapat huwag sila magtiwala sa hindi nila kilala at magsumbong sila sayo kung pinapapasok ng longkantuts mo ang BF nya... (kung may sekwet relasyon talaga sila)

    Obserbahan mo lang at kung totoo ang hinala mo maghanap kana ng bagong longkantuts..... (yung mukhang mangkukulam para walang magkagusto)
    Salamat manoy77. Opo, nakausap ko na mga anak ko tungkol dito. Actually nong unang-una palang nabanggit ko na yang mga ganyang bagay sa katulong namin.

  10. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    259
    #10
    pareho lang ng sinasabi ng iba sesantihin mo na bago pa mangyari ang nasa isip mo,,question babae ba anak mo na binabantayan ng flirt mo na maid delikado din yan you know what i mean..tama din na sabihan mo anak mo na magsumbong kung pinapapasok niya yun gwardya sa loob ng bahay niyo..wala ka bang kamag anak na pede makasama ng anak mo at mabantayan na din katulong mo na din o kaya kamag anak ng asawa mo..mahirap yan baka pagbalik mo sa bahay mo wala na lahat..

Page 1 of 5 12345 LastLast
Ang malandi naming longkatuts (maid/guard love story)