New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 5 of 13 FirstFirst 123456789 ... LastLast
Results 41 to 50 of 128
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    7,205
    #41
    Quote Originally Posted by mazdamazda View Post
    Usually walang or minimal ang bodyguards na kasama ni Luli... in this instance wala nga syang kasama.
    i doubt kung walang kasamang bodyguards...

    SOP and nasa batas to na any member ng first family (even family of vice pres.) meron talagang bodyguards. malayo lang siguro at nagmamasid-masid.

  2. Join Date
    May 2004
    Posts
    1,175
    #42
    they should learn from this incident. or will they?

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,285
    #43
    sa buong buhay ko, baka wala pang 10% ang na-encounter ko na govt official na di masungit o mayabang o kung makapagsalita eh akala mo eh sila ang nagpapakain sa yo..... (dyan sa Pinas...)

    dun sa mga endangered species na almost 10% na govt. official, sinasaluduhan ko pa sila, sana dumami pa ang kagaya nila....

  4. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    51
    #44
    the entire article so missing details can be filled up.....

    Presidential Daughter Luli sinigawan sa NAIA

    Ang Pilipino STAR Ngayon 11/02/2006

    Isang Immigration officer na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang sinibak matapos makabangga ang anak ni Pangulong Arroyo na si Presidential Daughter Luli Arroyo.

    Ayon sa TV Patrol World report, sinita umano ni Luli si Edgardo Padlan, ang officer-of-the-day nung araw na ‘yun, matapos nitong pasingitin sa pila ang isang foreigner.

    Subalit si Luli pa umano ang sinigawan at pinagalitan ni Padlan.

    Hindi naman pinalampas ni Immigration Commissioner Alipio Fernandez ang insidente at matapos magsagawa ng pag-iimbestiga ay inalis sa puwesto si Padlan.

    Ayon kay Fernandez hindi nila ginawa ito dahil Presidential Daughter ang involve.

    Agad namang humingi ng tawad si Padlan at pamilya nito sa Pangulo at kay Luli.

    Ayon sa misis ni Padlan, maaaring nabigla lamang umano ang kanyang asawa dahil wala itong nakabangga sa mahigit 30 taon niyang pagseserbisyo sa NAIA.

    Iginiit naman ng Palasyo na wala silang kinalaman sa pagkakasibak ni Padlan at "internal" anya ang desisyong ito at hindi puwedeng magdikta kung anong parusa ang dapat igawad sa naturang opisyal.

    Nabatid na ilang Immigraiton officers ang inirereklamo na masusungit at arogante kung makitungo sa mga pasahero. (Rowena Del Prado)

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    7,205
    #45
    Quote Originally Posted by trotsky View Post

    Ayon sa misis ni Padlan, maaaring nabigla lamang umano ang kanyang asawa dahil wala itong nakabangga sa mahigit 30 taon niyang pagseserbisyo sa NAIA.
    eh di 30taon na nyang inaabuso ang posisyon nya?

  6. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    962
    #46
    Quote Originally Posted by trotsky View Post
    Ayon kay Fernandez hindi nila ginawa ito dahil Presidential Daughter ang involve.
    IMO, eto pinaka-BS.

  7. Join Date
    Apr 2005
    Posts
    516
    #47
    Quote Originally Posted by trotsky View Post
    the entire article so missing details can be filled up.....

    Presidential Daughter Luli sinigawan sa NAIA

    Ang Pilipino STAR Ngayon 11/02/2006

    Isang Immigration officer na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang sinibak matapos makabangga ang anak ni Pangulong Arroyo na si Presidential Daughter Luli Arroyo.

    Nabatid na ilang Immigraiton officers ang inirereklamo na masusungit at arogante kung makitungo sa mga pasahero. (Rowena Del Prado)
    dapat sa kanya mabigyan ng suspension/deciplinary acton ang mga kutulad niya. Nakakasira sa ibang immigration officers who are doing their jobs righteously.

  8. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    1,630
    #48
    grabe din no. how i wished i were there when it happened. priceless siguro picture ni padlan nung nalaman nyang presidential daughter pala yung sinigawan nya. siguro naubusan ng dugo sa mukha yun. baka maihi ako bigla kung sa akin nangyari yun hehehe.

  9. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    153
    #49
    mapanglait at masungit talaga yang mga immigration officers sa naia, lalo na sa mga OFW, masyado nilang minamaliit ang mga ofw, buti nga sa kanya.
    di lang dyan sa naia, pati sa mga govt. agencies, masyadong maliit ang tingin nila sa mga tao, kaya kung pagsungitan nila,ganon nalang.

  10. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    3,231
    #50
    Quote Originally Posted by trotsky View Post
    Ayon kay Fernandez hindi nila ginawa ito dahil Presidential Daughter ang involve.
    nyahahaha.. have to agree with the post before me. this is complete and utter BS!

    eh paano kung ordinaryong mamamayan ang nagreklamo? sisibakin din ba sa pwesto? come on, we're not that stupid.

Page 5 of 13 FirstFirst 123456789 ... LastLast
Airport Immigration Exec Sacked for Shouting at Luli