Meron po bang nagta-trabaho sa agency dito? Or nag apply sa agency?

Kasi merong parating tumatawag dito ng madaling araw, hinahanap utol ko, akala ko naman friend o manliligaw. E hindi naman dito umuuwi yung utol ko, naka ilang tawag na siya kaya ininterview ko na.

Sabi niya, hindi daw niya personal na kilala yung utol ko, may urgent na opening daw kasi sila kaya naghahanap siya ng pwede ipadala. Sabi niya ganun daw talaga kapag agency at may urgent na opening, walang pinipiling oras at araw. Totoo ba ito?

Dineretso ko nga siya e, sabi ko kadudaduda yung timing niya, baka naman sa pimping agency siya nagtatrabaho, hindi naman daw, nagkakataon lang daw kasi madaming tinatawagan.

Paranoid na kasi ako sa ganyan, nung nag wo-work pa ako, may tumawag dito, security guard daw siya dun sa client namin, akala ko naman may nagawa akong kasalanan, yun pala wala lang gusto lang niya ng kausap, nung nag client call ako sa kanila, nakita niya yung contacts in case of emergency tapos kinuha niya. First reaction ko e magtaray, e kaso naisip ko baka pati address namin ay kinuha din niya at may gawin pang hindi maganda. So kahit na sobrang freaked out na ako (e sabihin ba naman niyang dati siyang member ng RAM), kausap pa din sa kanya, althoug puro uhuh lang sinasabi ko. Fortunately, hindi na siya tumawag ulit, na bore siguro. Sinabi ko naman sa office yung case ko, ayun, next issue ng ids namin wala nang details sa bahay.