
Originally Posted by
OTEP
Kaninang umaga nagpunta ako sa Pasig to check out these lodging places. Konti lang naman napuntahan ko (killing time lang ako nito).
Hillview:
Pinakita sa akin yung jacuzzi room nila. Maliit lang naman, may sauna room din. Short time rate is around Php900 pero kung may discount card ka, mga Php600 na lang. Konti lang ang units nila na jacuzzi. Yung iba, standard at garage rooms na.
Country Lodge:
Meron silang Mega Room. Medyo malaki naman, pwedeng pang-party. May jacuzzi din but walang sauna. Dalawa yung pinakita sa akin. Isang modern ang style and isang parang resort-style (parang sa probinsya ang dating). Same rate din sana ng Hillview kaya lang hindi daw sila tumatanggap ng discount cards.
Rosal:
Sinamahan ako ng manager nila to view the largest room (room 58?) Two floors siya. Bale parang receiving area sa baba, with seats, table and own CR tapos sa taas andun yung bed, videoke, table, jacuzzi, and another toilet. Nasa Php900 din ang short time dito. May party package sila na Php4000/10pax + 400/additional pax. Four hours stay ito and may kasama nang sit down menu. Ayon dun sa white board nila, may naka-schedule na stag party next week, tapos meron ding naka-schedule na wedding preparation. Ibig sabihin daw nun, ay doon aayusan ang bride at doon susunduin ng bridal car. Ngek, ano kaya hitsura sa wedding video nun kung palabas ng motel ang bridal car? :lol:
Ayun lang po. hehehe.