New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 2 of 2
  1. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #1
    TRESE, katorse at kinse lamang ang edad ng magkakapatid na itinago sa pangalang Aida, Lorna at Fe subalit ilang lalaki na ang nagpasasa sa kanilang murang katawan.

    Sina Aida, Lorna at Fe ay tatlo lamang sa mga batang "virgins" na inilalako sa isang mall sa Caloocan City sa pamumuno ng isang babaing tinaguriang "bugaw queen" ng lungsod.

    Ang modus operandi ng suspect na kinilalang si Divina Ongcal, 24, ng Masagana Compound, Balintawak, Quezon City, ay natuklasan ng mismong mga magulang ng tatlong batang biktima, kahapon ng ma-daling-araw.

    Pasado alas-12 ng hatinggabi nang mabulabog ang tanggapan ng Women's and Children's Concerned Desk (WCCD) ng Caloocan PNP matapos magwala sa galit ang mga magulang ng mga biktima dahil sa pambubugaw umano ni Ongcal sa tatlong bata.

    Nahaharap sa kasong white slavery at child trafficking si Ongcal, samantalang tinutugis na rin ngayon ng mga awtoridad ang live-in partner nitong tinukoy sa alyas Nognog na umano'y kasabwat nito sa pagbebenta ng katawan ng mga bata sa kahabaan ng 2nd, 3rd at 4th Avenue, Gracepark, Caloocan.

    Ang mga "batang prosti" na alaga nina Nognog at Ongacal ay pinatatambay umano sa isang kilalang mall sa Caloocan at sa isang kilalang malaking mall sa Quezon City at doon pinasisipat sa mga customer.

    Ayon sa mga magulang ng biktima, gabi-gabing umaalis ang kanilang mga anak sa pag-aakalang gumigimik lamang ang mga ito.

    Kinutuban lamang umano silang baka may hindi magandang ginagawa ang kanilang mga anak kaya't pinasundan nila ang mga ito at doon natuklasang pasok na pala sa prostitusyon ang kanilang mga batang anak.

    Bago isagawa ang police operation, kararating lamang umano ni Fe galing sa "pagseserbisyo" sa ikatlo nitong customer noong gabing iyon, samantalang si Lorna ay nakadalawang parokyano na umano habang si Aida ay nakakaisang customer pa lamang.

    Sa himpilan ng pulisya, itinanggi ng suspect na ibinubugaw niya ang mga biktima, ngunit inamin nito na sumama sa iba't ibang lalaki ang tatlong bata para lamang ibenta ang kanilang sarili upang kumita ng pera.

    Ayon naman sa pulisya, nakatakda nilang isailalim sa medical examination ang tatlong dalagita upang mabatid kung matagal na o bago pa lamang nagagalaw ang mga ito. Duda ng mga awtoridad, baka nagkaroon na ng sakit ang mga biktima, bagay na kinakatakutan ngayon ng kanilang mga magulang.

    Aalamin din kung pinapagamit ba ang mga ito ng bawal na gamot bago pinasasama sa kani-kanilang customer.

  2. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #2
    Kawawa naman ang mga batang ito. Dapat sa mga bugaw na yan sinusunog ng buhay! Pero, may kasalanan din yung mga magulang. Akalain mong nasa isip nila, gabi-gabi gumigimik LANG mga anak nila? Sa edad na 13, 14, 15, papayagan mo bang gabi-gabi gumimik ang mga ito?

13,14,15 ibinebenta sa mall