New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 22 1234511 ... LastLast
Results 1 to 10 of 214
  1. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    2,976
    #1
    Lifted this from another car forum (Hondaclub), c/o chitorb. Walang supplied links to the original article, but HCP forumers who watched it said it was indeed fishy...sayang, wala pang nag-uupload sa youtube...

    -------------
    Nahaharap sa bagong kontrobersiya ang bantog na noontime game show na “Wowowee” ng ABS-CBN matapos dagsain ng rekla*mo ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at Department of Trade and Industry (DTI) tungkol sa “anomalya” o “dayaan” sa pinakabagong palaro nilang Wilyonaryo Jackpot.

    Noong Sabado inilun*sad ang palaro, ngunit ito ay celebrity edition lamang at nito lang nakalipas na lunes, Agosto 20 pormal na binuksan para sa mga contestants.

    Naging contestant ang isang nagngangalang Weng at mismong si Willie Revillame ang umistima rito para sa mala-pera o ba*yong na larong tinawag nilang “Wilyonaryo Jackpot.”

    Ang palaro ay parang pinball at papipiliin ang contestant ng isang wheel na may kulay at doo’y papahu*laan kung nais ba nito ang “Wilyonaryo” o “Winame.”

    Kung ang Wilyonaryo ang pinili, may tsansa ang contestant na manalo ng P2 milyon; P1 milyon o P500,000 at bahay at lupa. Kapag Winame (Uwi na ko) naman ang pinili, ibig sa*bihin ay tatanggapin na lamang nito ang alok na pera ni Willie at uuwi na lamang ang contestant.

    Pinili umano ni Weng ang ‘Winame’ kasama ang P100,000 na alok ni Re*villame, bukod pa sa napa*nalunan nitong P37,000 sa ‘elimination round’ bago ang jackpot round.

    Hindi naman nabigo si Weng na maging tama ang pasya dahil ang pinili nitong kulay puting wheel ay naglalaman ng 0 na ibig sabihin ay kung ito ang pinili, tiyak na bokya o uuwi siyang luhaan.

    Kagaya ng patakaran sa iba’t ibang game show, sisilipin kung nasaan ang ‘jackpot price’ at sinabi ni Revillame na ito ay nasa kulay lilac o violet na wheel.

    Nang aktong bubuksan ng kontrobersiyal na host ang nasabing ‘wheel,’ lu*mabas umano rito ay 0 (zero).

    Nakasaad sa bahagi ng transcript ang ganito:

    Mariel Rodriguez: Ayon walang laman

    Willie: Mali, Mali, Mali. Sandali. Ang P2 milyon ay (habang binubu*not sa likod ng wheel) eto pala.

    Mariel Rodriguez: Ha*wak mo pala Pappy

    Willie: Ayon hawak ko pala, Alright ayan po ang P2 milyon, 2,000,000.

    Dahil sa insidente, na*buko na dalawang uri ng papel o ‘film’ mayroon ang ‘jackpot’ wheel ng nasabing palaro kung saan ay maaari nilang gawing milyon ang zero na numero o gawing zero ang milyon na numero.

    Ayon naman sa mga nakasaksi sa panonood, nagtataka rin sila kung bakit nasa likod lagi ng ‘wheel’ ang kamay ni Revilla.

    Ang naturang pagkaka*buko ay nai-record ng ilang ‘televiewers’ at anumang araw mula ngayon ay ipa*dadala nila ang kopya ng CD nito sa tanggapan ni MTRCB chairperson Ma. Consoliza P. Laguardia at DTI na inaasahang magpa*patawag ng imbestigasyon hinggil dito.

    Nabigo namang maku*hanan ng pahayag si Villa*me sa naturang alegasyon.

    http://z3.invisionfree.com/HCP/index...pic=30799&st=0

  2. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    1,973
    #2
    so it means kahit tama hula mo na dun ang "2" sa box na yun, they can pull the cover and "0" ang lalabas? tama ba pag kaintindi ko sa article. one box two numbers?

    so ang nangyari is "0" na ang nakalabas pero hinila pa ni Willie second paper to show the number "2" on the same box?
    Last edited by impulzz; August 23rd, 2007 at 03:49 PM.

  3. Join Date
    May 2006
    Posts
    3,722
    #3
    Aha! Huli sa akto! Buong bansa pa ang naka-witness.

    So totoo pala na "rigged" ang ilan sa mga gaming props nila dyan. Dati kase, it was just speculation among some observers but now there's some proof na.

  4. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    40
    #4
    paktay ka na naman willie ka

  5. Join Date
    Jul 2005
    Posts
    265
    #5
    since dalawa ang papel sa loob ng box... that means scripted pag may manalo na 2 milyon. kung gusto ni willie na panalunin ang contestant, yun paper with 1 or 2 na number ang bubunutin nya. kaya wala talaga solo na box na naglalaman ng 2 million or 1 million. pang hatak lang ng masa yun 2 million na pa premyo nila... pero ang totoo, wala talagang pwede manalo ng price na yun. if meron man.. baka talent din ng abs-cbn

  6. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    45,927
    #6
    Business model

    If i was ABS, i also wont give away 2 million pesos na ganyan ganyan lang.

    Paano kung magkasunod na araw may nakapili ng 2 million?

    Syempre they will rig it. No surprise there

  7. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    6,105
    #7
    Ginagawa nilang loko loko ang mga tao.

    Bakit kasi ginawang trabaho ng ilan nating kababayan ang pagpila sa mga ganito. It's saddening to see that they only want easy money. They don't wanna work but they want big money. Ridiculous beings.

    IMO, just like soap operas, these gameshows are dragging our country deeper into poverty with many of the people just waiting for their chances in these types of shows instead of working.


    Unfortunately, the regulatory body isn't that much functional. Sa FM stations na lang e, with all the masa and jologs culture mixed with green jokes for the sake of money, maraming nagrereformat.

  8. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #8
    Buti na lang hindi ako nanonood sa mga ganyang show

  9. Join Date
    May 2005
    Posts
    373
    #9
    So totoo pala na Number 1 ang Wowowee......................



























    Pagdating sa Hokus Pokus!

  10. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    1,815
    #10
    you are in the phils, halos lahat ng mga game show may daya.owners of those game shows wont just give that huge amount of money ng ganon ganon nalang.

Page 1 of 22 1234511 ... LastLast
Wowowee game show fiasco