New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 3 of 6 FirstFirst 123456 LastLast
Results 21 to 30 of 57
  1. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #21
    He-he! Binabayaran ang mga pumipila para kunyari dagsa ang tao sa show.........



    http://www.philstar.com/Article.aspx...bCategoryId=96

    Direktor tsinugi agad ni Willie Revillame

    Grabe, tsinugi agad pala ni Willie Revillame ang director ng programa niyang Willing Willie! Yup, hindi raw nito nagustuhan ang trabaho ng dating tauhan ni Mr. Johnny Manahan kaya ayun, tsugi agad siya.

    Ito raw ang ibinigay na tao ni Mr. Manahan kay Revillame dahil siya (Mr. Manahan) nga ang gusto nitong kunin para sa kanyang programa sa TV5 pero umiral ang loyalty ng magaling na director sa ABS-CBN kaya may ibinigay ito. Kaso ’di nga nagustuhan ng TV host.

    Mismong ang TV host na raw ang nagdidirek ng kanyang programa ngayon na nakakaisang linggo pa lang sa ere ay hindi na gaanong pinag-uusapan. Hindi natinag ang rating ng TV Patrol at 24 Oras.

    Nadiskubre na raw kasi ng marami na bayad naman pala ang mga pumipila sa nasabing programa. Yup, as in mismong insider ng programa ang nagbuking na may mga tinatawagan lang sila para kunwari ay dumagsa ang maraming tao.

    Saka ang tanong nila, bakit hindi na lang daw gawing public service show ang programa kung ang misyon naman nila ay tumulong sa mga kapus-palad nating kababayan na kanilang pini-press release?

    Hmmm, may punto.

    Bakit nga ba? Baka ’pag ganun ang format, baka mas bomongga ang rating. Iisa rin kasi ang puna ng mga nanonood, hingal-kabayo ang TV host dahil nag-iisa siya sa programa.

    Eh kung public service nga naman, hindi mahahalata ang pagod ng TV host ’di ba? Saka ’yun naman ang pinangangalandakan niya — gusto niyang tumulong sa mahihirap. So, tumulong na lang siya.

    At ang pagtulong hindi na dapat ibinabandera.

  2. Join Date
    Apr 2010
    Posts
    2,135
    #22
    imposible na pumunta si Mr. M kasi handle nya ang talents ng ABSCBN.

    and kung co-hosting din naman, kumuha sya ng artista ng TV5 na pwede nyang makasama...calling John Estrada? hehe

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,250
    #23
    Quote Originally Posted by myas110 View Post
    imposible na pumunta si Mr. M kasi handle nya ang talents ng ABSCBN.

    and kung co-hosting din naman, kumuha sya ng artista ng TV5 na pwede nyang makasama...calling John Estrada? hehe
    Si Joey de Leon nalang!

  4. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #24
    Quote Originally Posted by Spyro View Post
    Parang di bagay yung show ng ganung oras or naninibago lang ako

    Iba lang talaga. Di bagay yung " energy " ng tao para sa oras na ganito.

    Quote Originally Posted by boybi View Post
    Si Joey de Leon nalang!
    Patay. Gabi-gabi sila magaasaran niyan. :hysterical:

  5. Join Date
    Oct 2008
    Posts
    944
    #25
    *badsekktor
    sino si MV at MVP?


    Quote Originally Posted by boybi View Post
    Si Joey de Leon nalang!
    WAHAHAHA!! sana nga! can't wait for this one to happen

    *all
    teka, yng mga main dancers nila nandun din ba sa kanya? sila luningning , mariposa at milagring? di ako nanunuod masyado ng tv pero sabi sabi nila si congrats nandun din daw kay willie...

  6. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #26
    How true na si Shalani raw ang magiging co-host ni Menyek sa TV5?

  7. Join Date
    Apr 2010
    Posts
    634
    #27
    http://ph.news.yahoo.com/pep/2010110...i-fb4fa78.html


    Si Shalani Soledad ang magiging co-host ni Willie Revillame sa Willing Willie simula sa Lunes, November 8.

    Ang magandang 30-year-old politician ang tinutukoy sa blind-item report sa PEP Alerts na lumabas ngayong araw, November 6, tungkol sa "isang big-time at kontrobersiyal na female personality na ipapakilala sa Willing Willie sa Lunes, Nov. 8."

    Ayon sa impormasyong nakalap ng PEP (Philippine Entertainment Portal), kagabi, November 5, nagkasarahan ang negosasyon sa pagpasok ni Shalani sa programa ni Willie. Pero hindi pa malinaw kung nakakontrata na siya o nasa trial period pa lamang.

    Isang malaking hakbang para kay Shalani, na naninilbihan bilang konsehal sa Valenzuela City, ang pagiging co-host ng isang malaganap na variety program gaya ng Willing Willie.

    Ibig sabihin kasi nito ay tuluyan nang pinalawak ni Shalani ang kanyang mundo. Mula sa pulitika ay tatawirin na rin niya ang mundo ng showbiz, kung saan mas magiging target siya ng intriga at kontrobersiya.

    Bago pa man kasi siya nagdesisyon na pasukin ang mundo ng telebisyon ay naging laman na ng balita sa diyaryo, radio, telebisyon, at news websites si Shalani.

    Bukod sa isang political figure, naging interesado rin ang media kay Shalani dahil sa pagiging ex-girlfriend niya ni Pangulong Noynoy Aquino.

    Bagamat wala pang direktang kumpirmasyon mula kina Shalani at PNoy, malakas ang usap-usapan na break na ang dalawa pagkatapos ng dalawang taon ng pagiging magkasintahan.

    Bago maluklok sa puwesto si PNoy bilang Pangulo ng Pilipinas ay mainit na pinag-usapan ang kanilang relasyon. At nang umupo na sa Malacañang si PNoy ay marami ang nag-abang kung si Shalani na nga ba ang magiging First Lady ng Pangulo.

    Pero tila malabo nang mangyari ito dahil sa balitang break na nga sila. Bukod dito, naiuugnay na rin ang pangalan nina Shalani at PNoy sa iba bagamat wala pa silang inaamin tungkol dito.

    Samantala, hindi na maituturing na baguhan sa harap ng telebisyon si Shalani. Bago kasi niya pinasok ang mundo ng pulitika ay naging field reporter siya noon para sa UNTelevision.

    Pero tiyak na ang pagpasok ni Shalani sa Willing Willie ay magbibigay lalo ng kulay sa lumalakas na bagong programa ni Willie.

  8. Join Date
    Apr 2010
    Posts
    2,135
    #28
    hmm...publicity stunt ba ito? or redemption? hehe

  9. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,162
    #29
    ^^^ Walandyo,- political ito....

    At, IMO, nagpapagamit si Shalani....

    11.1K:transform:

  10. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #30
    ^ Pag nagkataon, sila pa ni Menyek magkatuluyan........

Page 3 of 6 FirstFirst 123456 LastLast
Willing Willie sa Channel 5