New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

View Poll Results: Have you watched a great Pinoy movie lately?

Voters
12. You may not vote on this poll
  • Yes

    5 41.67%
  • No

    7 58.33%
  • My name starts with the letters ... F.P.J.

    0 0%
Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 10 of 29
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    29,354
    #1
    Stolen from:
    http://www.topgear.com.ph/board/inde...15.0;topicseen

    So how would you know that you are watching a Pinoy movie?

    Here are the “Top 20 Signs” according to a reader who didn’t identify him/herself.

    1. Sasayaw ang loveteam sa likod ng puno ng buko kapag nasa beach ang eksena. Alternate na lalabas ang ulo nila from behind the puno.

    2. Ang kontrabidang babae yayakap sa bidang lalaki, sabay taas ng kilay at ngingisi.

    3. Ang pansit, nagdadala ng malas. Uuwi ang bida na may dalang pansit para sa kanyang nanay na si Anita Linda. Tatawagin ng bida ang mga bata para kumain at kukumustahin niya ang pag-aaral ng mga bata habang kumakain sila. Biglang may titigil na sasakyan sa harap ng bahay at pauulanan ng bala ang pamilya. Mamamatay si Anita Linda at sisigaw ang bida ng “Inaaayyyy!!!” at mangangakong ipaghihigante ito. Moral of the eksena: Ang pansit ay nakakamatay.

    4. Kapag may magkaribal na babae, ‘yung mabait derecho ang buhok at may bangs. ‘Yung salbahe, laging kulot.

    5. Sa Pinoy action movies, ang bida hindi nauubusan ng bala.

    6. Sa Pinoy action movies, kapag tumakbo ang bida, sa lupa lahat ang tama ng bala ng kalaban.

    7. Kapag may mob na pupunta sa bahay kubo ng manananggal, si Vangie Labalan ang laging lider.

    8. Alam mong moment of truth na kapag sinabi ng bida ang title ng pelikula (sample: Isang Bala Ka Lang or Kapag Puno na Ang Salop).

    9. Ang tawag ng kontrabida sa kanyang mga goons, “Mga bata.”

    10. ‘Yung nakababatang kapatid ng bida habang naglalaro, mabibitiwan ang bola at mapupunta sa gitna ng kalsada. Pagkatapos, may darating na sasakyan at itutulak ng bida ang bata at ‘yung bida ang papagitna ng kalsada. Naka-cross ang arms ng bida who is covering his face. Sisigaw ang bata ng, “Kuyaaa!” Next scene: Nasa ospital sila. Simula na ng drama.

    11. Kapag bakbakan, hindi nasasaktan ang bida pero umaaray siya kapag ginagamot na siya ng leading lady. Next scene: Nagla-love-making na sila.

    12. Kapag sinabi ng kontabida sa bida ang masama niyang plano, sasabibin ng bida, “Hayop ka!”

    13. Ang bidang babae, kapag katulong ang role siguradong iri-reveal ng amo na anak siya nito.

    14. Ang nanay ng mayaman ay laging may pamaypay na pang-mayaman at ang nanay ng mahirap ay laging naka-duster.

    15. Ang hideout ng kontrabida ay parating mansyon na may chicks na naka-hilira sa paligid ng pool.

    16. Ang mga bida sa drama, kapag nakatanggap ng masamang balita laging may pinto sa likod nila para puede sila sumandal habang nag-i-slide dahan-dahan pababa, todo iyak at kung minsan with matching uhog.

    17. Kapag hindi nahuli ng mga goons ang bida, sasabihin ng boss sa kanila, “Mga inutil!”

    18. Laging nakakapulot ng baril na may bala ang bida kapag kinakailangan niya.

    19. Laging mas maganda ang yaya ng bida kaysa sa kontrabidang anak ng amo niya.

    20. Kapag ang ending ng movie ay song-and-dance number sa beach o sa resort, ang huling frame shows the cast na tumatalon, sabay freeze.

    From: Philstar.net

  2. Join Date
    Oct 2008
    Posts
    1,958
    #2
    ^^hahahaha!:rofl01:


    :rofl: :rofl01: :rofl:

  3. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    2,976
    #3
    Pahabol...

    21. Sa isang action flick, ikukuwento ng bida yung mga kahayupang ginawa ng kontrabida sa kanya, habang pareho silang nakatago sa likod ng poste at may hawak na baril.

    e.g. - Naalala mo pa ba nung Grade Six tayo? Parati mong kinukuha yung baon kong tinapay at tinatapakan mo! Pati yung alaga kong pusa, hinihila mo palagi ang buntot! At lagi mo na lang akong pinag-iinitan nung naglalaro tayo ng Agawan-Base! At bakit ba ang hirap mong hanapin tuwing Taguan? Hayuuup ka!
    Last edited by Galactus; January 27th, 2009 at 10:43 AM.

  4. Join Date
    Oct 2008
    Posts
    1,958
    #4
    ^^hahahaha!:rofl01:


    :rofl: :rofl01: :rofl:

    kakalokah!

  5. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    2,027
    #5
    [ame="http://www.youtube.com/watch?v=K6cufhldqSU"]YouTube - Mark Lapid's Saging[/ame]
    naalala ko nanaman ang saging movie ni mark lapid

  6. Join Date
    Oct 2008
    Posts
    1,958
    #6
    Quote Originally Posted by Negus View Post
    YouTube - Mark Lapid's Saging
    naalala ko nanaman ang saging movie ni mark lapid

    hahaha! :rofl01:

    iba yung naalala ko sa saging movie na yan! poocha!

  7. Join Date
    May 2006
    Posts
    3,722
    #7
    sir GH :hysterical: totoong-totoo lahat!

    eto pa mga observation ko:

    22. kapag ang bida nalang at ang "master" ang niiwan para maglaban, sobrang haba pa ng exchange ng dialogue bago magbarilan eh ganun rin naman - mamamatay rin ang master. (i.e 'masahol ka pa sa HAYUUUUUUUP!)

    23. ang mga pangalan ng mga characters ay usually spelled with the traditional pinoy unnecessary "H" like 'BHOY', 'RHEY', JHIMBO..

    24. sa isang bala ng bida, tatlo ang tatamaan sa kalaban nya (i.e Lito Lapid Style)

    25. ang mga pulis dumadating na kung tapos na ang pagtutuos ng master at ng bida sabay cut-scene na may tulo ng dugo either sa noo or sa labi ng bida.

    26. ang bida ay laging naka-JACKET at hindi pinag-papawisan kahit saksakan na ng init ang araw sa eksena. (i.e Ronnie Rickettes, Jeric Raval, si 'Ipe')

    27. kapag umaandar ang sasakyan, hindi tugma ang tunog ng arangkada sa takbo ng sasakyan.

    28. ang owner-type stainless jeep ay hindi mawawala as standard transpo ng mga 'bata' ng kalaban.

    29. sa bahay ng mga mayayaman na kalaban pirming may buong yelo ang ice bucket ni master at bago mag-plot ng plano laban sa bida ay iinom muna ng masarap na alak kahit tanghaling tapat.

    30. nakapagtataka naman ang bida na, kahit ilang linggo ng nabihag ng kalaban, eh walang eksena na pinapakita na ganadong kumain - at kung kakain man eh laging kasama either ang nanay o leading lady nya.

    31. ang paboritong pang 'spice-up' na eksena ng mga pinoy action flicks ay yung parating may ginagahasa o binabastos na seksing babae.


    Last edited by Memphis Raines; January 27th, 2009 at 11:11 AM. Reason: add 'observations'

  8. Join Date
    Oct 2008
    Posts
    1,958
    #8
    Quote Originally Posted by Memphis Raines View Post
    sir GH :hysterical: totoong-totoo lahat!

    eto pa:

    22. kapag ang bida nalang at ang "master" ang niiwan para maglaban, sobrang haba pa ng exchange ng dialogue bago magbarilan eh ganun rin naman - mamamatay rin ang master.

    23. ang mga pangalan ng mga characters ay usually spelled with the traditional pinoy unnecessary "H" like 'BHOY', 'RHEY', JHIMBO..

    24. sa isang bala ng bida, tatlo ang tama sa kalaban (i.e Lito Lapid Style)

    25. ang mga pulis dumadating na kung tapos na ang pagtutuos ng master at ng bida sabay cut-scene na may tulo ng dugo either sa noo or sa labi ng bida.

    26. - - - - - -

    :rofl01: hahahaha! galing ah! :rofl:

  9. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    2,976
    #9
    26. Babastusin ng mga goons ang isang bidang babae sa loob ng bar or restaurant. Tapos lalapit ang bidang lalake sa mga goons at magda-dialogue na: "Mga pare, wag naman ganyan. Ang mga babae, dapat ginagalang."

    Goon: "Ano bang pakialam mo?!" Sabay susuntok pero makakailag naman yung bida.

    Tapos, rambulan na! Initially, 1 bidang lalake versus 6 goons, pero naturally, yung sidekick ng bida, makikisali na rin sa gulo, usually may panghataw na kahoy, beer bottle or chair, pero comedy ang dating. Eventually, bugbog yung 6 goons, pero yung bida, nakatayo pa din kahit ilang suntok at sipa ang tinamo niya.

    Bidang babae: "Nasaktan ka ba?"

    Bidang lalake: "Wala to. Ayoko lang kasing makitang binabastos ka nila."

    (Kahit ngayon lang sila nagkita)

    Bidang babae: "Halika, doon tayo sa bahay ko para magamot kita."

    Sama naman si bidang lalake. Pagkagamot, yun na, lovemaking na!

  10. Join Date
    Oct 2008
    Posts
    1,958
    #10
    ^^ambilis, Sir Galactus ah!

    :rofl01:

Page 1 of 3 123 LastLast
Top 20 signs you're watching a Pinoy flick...