sa totoo lang hindi ko alam kung tama ba na mazda na bibilihin ko. tinitignan ko yung features at price kung san pasok yung budget ko (350k-400k).
Meron pa akong ibang choices like ford focus 1.6, toyota altis new look or kahit old 2006 up model and crv or ford escape. Alam ko magaling kayo sa kotse kaya kayo tatanungin ko.
madalas kung gagamitin to sa syudad lamang papasok sa trabaho at paminsan-minsa probinsya din pag bakasyon.
gusto ko sana malaman kung alin sa mga choices ko ang economical, may kunting power, nice safety and interior features at iba pa. yung bang "bang for the buck" kung sasabihin ng iba.
maraming salamat mga idol. aasahan ko ang tulong ninyo!
Bili ka na lang boss ng brand new vios or mirage sulit sa daily drive mo. Hehehe. Siguradong mani ang monthly kung 50% ang idown mo (360k). Sure ka pa na wala problema at kung merin man warranty siya at normal na gastos mo change oil tune up lang. medyo pricey accent na hatch pero kung kaya mo sulit din sya, crdi kunin mo.
If you really want a Mazda3, go can find a Mazda3 2.0R at around the same price/age. As per inputs ng iba, kunti lang difference or even same lang fuel consumption ng Mazda3 1.6L at 2.0L models. You get better features on the 2.0L against the lower trim 1.6L models.
If you want a good mix of power, handling, and fuel efficiency, a Civic FD 1.8 (2006-2008) will fit the bill.