mga sirs, newbie here sa forum - good day to you all.need help sa idle system sana. i have a '95 323, nagtataka ako nagflufluctuate yung rpm ko, taas baba on idle, tapos pag bukas ang ac, naka stuck lang siya sa 1500 or sometimes 2000, and parang ganun lang, dirediretso lang ang pagblow ng hangin pero di ko napansin na bumaba man lang yung rpm pag bukas ang aircon ko. i was also about to try yung tip from one of the posts here na linisin yung MAF, kaso di ko alam kung saan hanapin yun. gusto ko sana like most of us here who joined na syempre gawin yung mas nakakatipid bago kumunsulta sa mekaniko. oo nga pala, ano po ba ang standard na rpm para sa menor ng 323? pasensiya na kung mali-mali ang terminology ko.
another issue is yung hazard light switch, bale pag pinepress di na na siya na nakastick as in switched on so pag kailangan ko gamitin, nakapress lang talaga ang daliri ko kasi pag binitiwan ko, aangat siya, paano ba tanggalin yun? any suggested fix on that?
any suggestions given will be a really big help, more power!![]()


need help sa idle system sana. i have a '95 323, nagtataka ako nagflufluctuate yung rpm ko, taas baba on idle, tapos pag bukas ang ac, naka stuck lang siya sa 1500 or sometimes 2000, and parang ganun lang, dirediretso lang ang pagblow ng hangin pero di ko napansin na bumaba man lang yung rpm pag bukas ang aircon ko. i was also about to try yung tip from one of the posts here na linisin yung MAF, kaso di ko alam kung saan hanapin yun. gusto ko sana like most of us here who joined na syempre gawin yung mas nakakatipid bago kumunsulta sa mekaniko. oo nga pala, ano po ba ang standard na rpm para sa menor ng 323? pasensiya na kung mali-mali ang terminology ko.
Reply With Quote
thanks sa mga input niyo sirs, di ko pa naasikaso o busisiin yung unit, medyo occupied ako kasi. pero maraming salamat, baka this weekend butingtingin ko siya. hopefully maayos using the tips na binigay niyo, lalo na ngayon, taas na naman ng gasolina - pag ganyan kataas ang rpm, talagang laklak gasolina nga naman. will post later pag nabusisi ko na siya. thanks uli!!

. carburated yung sa akin so hindi ko talaga makita kung may MAF o ala. so bale ang ginawa ko na lang is pulled out the pcv and cleaned it, ganun pa din, nagfluctuate pa din ang rpm, ang masama pa, nung makalawa ng gabi - ginamit ko siya kasi hinatid ko anak ko sa ospital, namatayan ba naman ako ng makina, tinulak ng guard and after having my son checked sa ER, paguwi, di na nagstart - buti na lang may nakumbinsi ako na taxi driver na ipastart na muna yung kotse using his battery and pagkatapos, tanggal, palit battery - along the way, yung clock, headlight, brakelight, palabo na ng palabo, pati busina ala na halos tunog - buti di ako namatayan ng makina kung hindi, di na ubra ang tulak din. sira na ba ang alternator ko pag ganun?
ala pa 1 year batt ko, motolite 2sm siya. about the servo thanks for the info on that - baka pasilip ko na lang this weekend yung unit sa mekaniko at auto elect -
