New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 10 of 22
  1. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    5
    #1
    Mga M3 guru need ko lang po any opinion nyo guys. Kakabili ko lang nung sasakyan last Nov 2007. Bihira lang gamitin kaya mileage nya ay nasa 17.7km pa lang. Pumunta po ako sa casa kahapon (Queson Ave)para sana magpa schedule for PMS this coming thursday. Since pang 20k na niya so babayaran ko na po lahat. Na shock po ako kasi ang sinabi nung SA mga 12K daw po gagastusin ko. Meron din po akong barkada na me M3 din pero hindi pa siya nakarinig ng ganitong kamahal na PMS. So guys normal lang ba talaga ito o tinataga na ako nung SA na yun? (Not sure kung same SA din yung nagsabi sa isang thread dito na dapat normal RPM daw ng car is 4k..same casa din po sa Que Ave). Medyo novice pa po ako pagdating sa sasakyan kaya wala po talaga akong idea pagdating sa presyo ng maintenance. Patulong naman guys. I'm planning na sa labas na lang magpa PMS. Eto pala yung estimate nung SA.

    OIL - 2700
    Oil Filter - 400
    Brake Cleaner - 700
    Sand Paper - 40 (pangkiskis daw sa disc brake)
    Air Filter - 1500
    A/C Filter - 3070
    Spark Plugs - 920

    LABOR - 1900
    Complete Wash - 900 (Pati ito me bayad!!! di ba dapat libre na to??)

    TOTAL: 12,130!!!

    <><>Tulong naman po mga peeps, need your opinion po. Maraming Salamat!!

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,092
    #2
    niloloko ka lang! car wash alisin mo na dapat libre na yan everytime ka nag PMS sa dealer, yun A/C filter palisin mo lang huwag na palitan, hinde pa naman madumi yan. the rest ok na siguro yan

  3. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    5
    #3
    thanks tol..so yung ibang price sa estimate ng SA ay ok lang yun? Kung sa labas ko mag pa PMS di kaya ma void warranty ko? appreciate your response tol

  4. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    5
    #4
    thanks tol..so yung ibang price sa estimate ng SA ay ok lang yun? Kung sa labas ko mag pa PMS di kaya ma void warranty ko? appreciate your response tol

  5. Join Date
    Oct 2008
    Posts
    944
    #5
    ang alam ko usually free ang ibang pms mo. i just cant remember kung abot sa 20k. kasi alam ko yung iba 1k 5k 10k. baka naman libre yan, tanong tanong ka muna sa agent na pinagbilhan mo to clarify. wag ka lang sana pati nun lokohin.

    pero ganyan talaga aabutin kasi sa sobrang bihira mo gamitin at inabot ka ng ilang buwan na (or taon) bago ka mag 20k, yung ibang parts talaga dyan subject for replacement na gaya ng a/c filter PERO kung hindi pa naman madumi/mabaho/defective o wala ka pa namang reklamo sa performance ng a/c mo eh kahit iwan na yun. pero pinaka importanteng alam ko dyan is yung mga oil since nangingitim yan kahit di ginagamit, delikado na baka tumirik ka bigla dahil dyan. car wash kung ayaw nyo bayaran i suggest na do it at home na lang to save money, optional lang din kasi yan and yes may bayad po talaga yan sa kanila w/c is panget. naaalala ko rin may nililiha silang brakes dati bago nila gamitan ng brake cleaning fluid. so far a/c filter din naiisip ko pati car wash ang dapat nyo pong pag isipan

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,092
    #6
    ^FREE ang car wash pag nag pa service ka sa casa...wala dapat bayaran

  7. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    599
    #7
    Bro, hanapin mo si Jericho(service) sa Mazda QA, sa kanya ka magtanong.
    Sabi nya sa akin dati 20k PMS is worth 6++k lang. Huwag mo ng
    kausapin yung SA mo. Sa service ka na lang dumiretso.

    Wala pa kasi 20K yung M3 ko kaya di ko pa na-a-avail yung 6000++ 20k PMS na sinasabi nya.

  8. Join Date
    Jan 2009
    Posts
    5,606
    #8
    P900 para sa complete wash?? Presyo na ng full-detail yan. Ganun ba ka burara mga mekaniko nila na tapon dito tapon dun ang langis/fluids pag nag-PMS sila? :D

    Anyway, yung wash (engine at exterior) considered as value-add na sa ibang casa at built-in na yung presyo pag nagpa-PMS ka.

    Try mo din magpa-estimate sa ibang casa.

  9. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    5
    #9
    Maraming salamat mga Bro sa lahat ng replies niyo. Marami po akong natutunan dahil dun. Yung a/c ko pala medyo me ibang amoy pag bagong start yung sasakyan lalo na pag nabilad sa araw. Mag iinquire din po ako bukas sa Maza Alabang kung magkano PMS nila dun for 20k mileage. I uupdate ko din ang thread na to para naman makatulong dun sa sino pa mang medyo tinataga na ng casa pagdating sa PMS. Maraming salamat po mga peeps!!

  10. Join Date
    Jan 2009
    Posts
    138
    #10
    nov 2007 pa daw nabili di po ba tapos na warranty nito?

    if yes di pwede na sa labas mag pa pms? mas maganda ba kung sa labas, for example sa isang perf tuning shop mag pa pms na nag specialized sa m3?

    tia

Page 1 of 3 123 LastLast
20K PMS sa Mz3 worth 12K!! Is this normal??