slight OT...
naalala ko yung pinsan ko ... bumili ng celfone sa greenhills noon at naka jackpot daw cya kc mura lang ng bili nya (8210 o 8250 ata yun).
tapos after 1 month, may nakita siyang clear cover/case para sa celfone nya.
dahil excited na excited cya, binili nya agad yung clear cover at pinakabit agad sa technician katabi ng tindahan.
sabi ng technician sa kanya -- "sigurado po ba kayo dito? baka po magbago pa ang isip nyo o kaya..."
di na nya pinatapos ang technician at sabi nya ikabit na agad yung clear case sa celfone nya (dahil maganda ang backlights nya at mas maliwanag nga naman pag clear ang case).
after 5 minutes ... napalitan ng kalungkutan ang kanyang ngiti.
bakit?
-- dahil nakita nya ang mga tumatalon na wires sa loob ng celfone nya (reconditioned celfone -- maraming "jumpers" na parang spaghetti sa loob ng celfone)
(ah kaya pala mura lang bili nya ...)
