iwasan mo paps yung medyo malalaki ang gap sa thread design. example nito yung mga Wanli at Westlake. yun yung mga parang nasa ibang dimension ka sa sobrang ugong. lalo na sa Wanli, solid ang ugong.
sure na mga tahimik, yokohama A-drive R1, achilles 2233, federal 595ss, at neutron.
kung gusto hindi matagtag, 205/45r17 paps. pwede ka mag 30 to 32 psi dun.
yung 35psi, para sakin, safe siya kahit na matagtag. kasi hindi naiipit o natutupi agad agad yung sidewall ng tire. kapag under inflated kasi at sumampa ka sa gutter, may malaking chance na gumasgas yung labi ng rims o kapag matulin ka tapos may lubak, siguradong basag o bengkong rims mo. tska mas madali mapudpud shoulder ng tires kung medyo malambot yung hangin.
iwas lang sa mga imported na copy rims, kadalasan kasi hindi dumaan ng quality control, iba pa din ang gawa ng Rota o mga JDM rims.
Safety first ika nga nila.





Reply With Quote
